Puyat
by:roger
ala una na ng umaga
akoy nag iisa
gising pa
naalala ka
tumigil sandali
at napangiti
gusto kang masilayan
tinignan iyong larawan
dalawang pung minuto
nakatitig lang sayo
mali, salarawan mo
na tinabi ko
ngayon nagiisip
hangang makaidlip
kasama kita sa bangin naka silip
biglang nalaglag at nagising sa panaginip
pawis na pawis ako
ang bilis ng tibok ng puso ko
kakaiba ang aking nadama
kabat tuwa na magkasama.
pero bigla itong nawala
ng aking maalala
na langit ka at akoy lupa
na tao lang ako at ikaw ay diwata.
parang imposible na
kailangan ng himala
na makasama ka
na mahalin ka
- kaya tama na muna siguro
umaga narin at akoy maliligo
papasok pa ako
at ito na muna ang dulo