Pwedeng ikaw, pwedeng ako.
Categories Depression

Pwedeng ikaw, pwedeng ako.

Walang taong walang problema, lahat tayo meron kanya-kanya. Maaaring kinekwento mo ito sa iba o pwede rin naman na kinikimkim mo lang sa sariili mo. Sa sobrang dami hindi mo na alam kung ano yung uunahin mong solusyunan. Para bang lahat nalang ng problema ng mundo nakuha mo na. Minsan nasabi mo pa nga na “bakit ako pa?” sa dinami dami ng taong masasama sa mundo.

Hindi ka na makagalaw sa sobrang lunod mo. Unti-unti kang kinakain ng mga iniisip mo. Unti-unti ka rin hinihila pababa ng mga pangyayari na mismong sumasakal sa iyo. Hirap ka sa paghinga, hirap ka sa paggalaw, hirap ka sa pag tulog.

Paano? Paano ba makakalabas sa mundong pilit kang gina-gago. Ang hirap kasi minsan walang taong makaka intindi sayo. Maski sarili mo hindi mo na kaya pagkatiwalaan dahil sa bawat aksyon mo mali nanaman ang kapalit nito.

“Ngunit gaano man ka-gago ng mundong ginagalawan mo, piliin mo pa rin ang maging mabuting tao.”

Maging mabuting tao ka sa taong nasa paligid mo dahil hindi sa lahat ng pagkakataon sayo lang pwede mangyari to’. May pagkakataon rin na pwede rin maging..”ako.”