Quaranfling
Categories Relationships

Quaranfling

By: Joseph John B. Juachon

Sa pagmulat ng mata, mensahe mo ang inuuna.
Sa aking pagbabasa, nagsisimula ang istorya.
Malinaw na palang, ako’y umaasa.
Ito na ba? Mahal na ata kita.

Handa ka na ba? Sa kwento kong dala-dala.
Pag-ibig na nagumpisa sa kumustahan at pang-aabala.
Baka naman sa kadahilanang ako’y nabuburyo lamang at umaasa sa malabong usapan.

Sa dapit-hapon nama’y oras mo pa rin ang hinihintay.
Magtatanong sa sarili kung dapat pa bang mag hintay.
At sa pag sapit ng gabi naman ay sasabay sa paghimbing, mananalangin na sana’y kinabukasan ikaw na ay akin.

Handa ka na ba? Sa kwento kong dala-dala.
Pag-ibig na nagumpisa sa kumustahan at pang-aabala.
Baka naman sa kadahilanang ako’y nabuburyo lamang at umaasa sa malabong usapan.

Walang hiya naman, olats na naman ba?
Sa tuwing ika’y makakausap puno na naman ng kaba.
Para na kong tanga, masakit ng umasa.
Pero sana ikaw na, makasama’t matamasa.

Sa huling mga salita, pangalan mo pa rin ang babanggitin. Ako’y magsasabing mahal ka at sana’y ikaw rin.
Ako sana’y patawarin nararamdaman ko’y malabo rin.
Tula’y matatapos na wag mo na masyadong damdamin. Sana isang araw ako’y manalo rin, na ang pag-ibig ko ay
iyo ring diringgin…