Relax lang ako lang to, Moving On
Categories Relationships

Relax lang ako lang to, Moving On

Preview(opens in a new tab)

Move on?
Eh ang hirap kaya umahon
Sabi ng mga kaibigan ko
Ako daw ay bumagon!

Huwag ko daw sayangin
Oras ko at panahon
Hindi na ba kayang ibalik
Ung dating kahapon?

Ano ba?
Ako lang ba talaga?
Ung may pakialam
Sa ating dalawa?

Ano ba?
Ayaw mo na ba talaga?
Bakit ang bilis naman
Dahil ba may iba na?

Parang kahapon lang sinabi mo
Ung puso mo di magbabago
Eh bakit ngaun mag-isa ako?
Sinungalin, asan ang pangako mo?

Oo, bitter ako
E paki nila sa nasasaktan ako!
At least diba sinasabi ko sayo
Di bali balang araw magiging okay din ako

Pag-ako nakalimot
Who you ka talaga sa akin
Pag-ako nakabangon
Alala mo’y ibabaon

Kung kaya mong magtapon
Alam mong kaya ko rin
Kaya siguro sa huling pagkakataon
Ito ang aking sasabihin

Minahal kita
Higit pa sa alam mo
Ni hindi sumagi sa isip ko
Ung posibilitad na magtatapos tayo

Edi kong alam ko
Sana nagseat belt ako
Para nuong nagdecide kang umalis
Nagfasten ako

Hulog na hulog oh
Puso at isip ko
Di mo alam puso ko
Winasak mo ng husto

Oh, sya patapos na ako
Nilabas ko lang ung mga dama ko
Konting arte lang para sayo
Alam mo na baka sakaling mabawasan ung sakit sa puso ko

Bukas pag-gising ko
Pagbaon ang aking goal
Paglimot ang aking misyon
Pagmove on sa kahapon

Bumalik ka kung gusto mo
Pero walang assurance na mayrung tayo
Kasi ako lang naman ang tinapon mo
Ung babaeng di sumusuko!

Easy, ako pa ba?
Relax lang, ako lang to
Sos, kung naging masaya ako sayo
Di hamak sa tamang tao!

Leave a Reply