Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa isang iglap, nagkakilala tayo.
Mula sa buyo ng mga kaibigan,
Text-mate, chat-mate at caller
Na humantong sa pagkakaibigan.
Sa isang iglap, di namalayan
Ang mga dumaang panahon
Mula sa isang buwan
Gang naging mga taon.
Sa isang iglap, mula sa simpleng lakad
Naging isang magarang lakad.
Mula sa pagsakay sa jeepney,  tricycle,
Taxi, barko at eroplano
Ngunit sa isang iglap din, ang saya
Ay nauwi sa lungkot at luha.
Lungkot na sana’y sa isang iglap
Ay mawala.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required