Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Glad I’ve waited for the right person. The one that God allowed.” Yung wala kang ipinilit. Yung hindi ka nag-hesitate. Yung hindi mo kailangang pwersahin. Kasi sa pagiging tapat mo sa Panginoon, hinahanda na pala Niya ang taong nararapat para sa’yo. Yung ikaw ang pipillin kasi ikaw lang minahal, minamahal at mamahalin.

It just happened right before my eyes without knowing na siya na pala ang ibinibigay sa akin ng Panginoon. I never expected it that way. I was quite idealistic about my dream love story. But truly God has higher ways and plans for our lives. He will give what you really need. He gave me John Rey.

Hindi ko akalain na kasa-kasama ko lang pala ang siyang ibibigay na suitable partner sa akin ni Lord. Nag-asam pa ako na sana tagalabas o someone na hindi ko pa kilala pero… iba pala ang plano ng Diyos. Gusto pala niya yung kilala na ako ng taong yun. Yung naging kaibigan ko na sa mahabang panahon. Yung kasama ko lang sa ministeryo. Yung nagpapatawa at nagpapahalakhak sa akin ng todo. Yung pinagsisilbihan yung pamilya ko. Yung iginagalang at sobrang ihonor ang magulang ko. Yung dinadamayan ako at yung tanggap ang buong pagkatao ko.
We had a rough start when we met. I never thought that it will be the twist of our story that one day will be our love story.
Grabe.
Who would have really thought na magiging kami? I never thought of this. Siya din naman. Kumbaga, na-shookt kami parehas. God’s will nga naman: gugulatin ka.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


But one thing’s for sure as to why God brought us together, OUR RELATIONSHIP HAS A PURPOSE FOR THIS GENERATION. We never chose each other. GOD CHOSE US TO BE TOGETHER.
Kaya pala ang smooth ng mga pangyayari nung pinatagpo at pinagsama na kami ng Panginoon. Ganoon pala maranasan yung tinatawag na God’s will. Ang sarap. Walang hassle. Gaya nga ng sinabi ko na sa intro, hindi ipinilit o pinuwersa dahil ‘pag kalooban na ng Diyos na kayo—KAYO TALAGA.

Kaya sa mga wala pang lovelife diyan, huwag mong pagaksayahan ng panahon ang kakahanap ng lovelife. Si Jesus ang tunay nating lovelife kaya magfocus ka sa Kanya. Later on, at His appointed time and will, HE WILL SEND YOU THE ONE THAT HE ALLOWED.
Kaya focus ka lang kay JESUS. ❤

Send me the best BW Tampal!

* indicates required