”My Own Definition Of Redundancy”

 

Kunwari masaya tayo

Kunwari masaya pa tayo

Kunwari mahal mo ako

Kunwari mahal mo pa ako

 

Kunwari ako ang gusto mong makasama

Kunwari ako pa ang gusto mong makasama

Kunwari napapasaya kita

Kunwari napapasaya pa kita

 

Kunwari napapangiti kita

Kunwari napapangiti pa kita

Kunwari napapatawa kita

Kunwari napapatawa pa kita

 

Kunwari ako ang ‘yung mundo

Kunwari ako pa ang iyong mundo

Kunwari tayo hanggang dulo

Kunwari tayo pa hanggang dulo

 

Kunwari nangangarap tayo

Kunwari nangangarap pa tayo

Kunwari hawak mo ako

Kunwari hawak mo pa ako

 

Kunwari yakap kita

Kunwari yakap pa kita

Kunwari ‘di ka umalis

Kunwari ‘di ka pa umaalis

 

Kunwari tumigil ka

Kunwari tumigil ka pa

Kunwari, kunwari ang lahat

Kunwari, kunwari na lang ang lahat

 

Kunwari nag-stay ka

Kunwari nag-stay ka pa…

 

Photo Credit: Google on Display

 

#Miggy

#BoilingPoint