Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Talinhaga na laging nakakatulala
Ung magising ka isang araw
Nararamdaman mo
Nawala nalang bigla

Pag-ibig! salitang nakakayanig
Bata, matanda, payat man o mataba
Sobrang relate na relate
Pag ito pinag-usapan, lahat interested

Naalala ko dati
Yung puyat ko sa gabi
Yung makachat ka lang ng buong araw
Pakiramdam ko ay sobrang swabe

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero bakit ganun?
Pano ngaba natin masasabi?
Na sa isang relasyon
Panlalamig ba talaga ay possible?

Lito! Yan ngaun yung utak ko
Di ko mawari ba’t nagkakaganito
Ayaw kong sayangin
Yung mga oras na ginugol ko sayo

Mga tanong at pag-aalinlangan
Gusto ko nang tukdukan
May tao bang makakaya
Na mood swing mo ay sabayan

Babe, please makinig ka naman
Tibok ng puso ko pwedi mo bang pakinggan
Nararamdaman mo ba, puso kong pasuko na
Baka bukas paggising ko, ayaw ko nalang bigla

Gugustuhin ko pa ba, yung relasyon na ganito?
Ung hindi ko na alam bakit ako andito
Kahit anong pilit kong bumalik sa kung anong mayrun tayo
Ramdam kung hindi iyon sapat para wag akong sumuko

Tanong ko sa maraming tao
Ako lang ba ang ganito
Tulong naman pakisagot po
Kung may right med ba dito?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required