Love Life (LL) kadalasan laman ng newsfeed status sa social media. Madalas hugutan ng mga taong hindi mo malaman kung may pinagdadaanan o baka may pinatatamaan lang naman. Rest In Peace kay pag-ibig ika nga. Mundo nga ay tunay na bilog, May apat na sulok at umiikot. Panahon ay nagbabago pero consistent pa rin ang salitang pag-ibig na ito. IKR damang dama ko ang hinanakit mo sa bawat SKL status mo for sure during na durog ang sugatan mong puso.
Nagbabago pala kasi ang definition ng tunay na pag-ibig.Na kung dati ay Kapani paniwala ngayon pag-iisapan mo na ng makatatlo o apat pa nga. Ang pag-ibig dumidepende sa uri ng taong nakakaramdam nito. Naalala kong bigla ang banat ng tropa kong in relationships daw, Sabi niya “hindi ka IN pag wala kang reserba. Aba teka ano ito Langis o tubig? Laman dagat o laman tubig? (Who knows ika nga) Sa status na gaano ba katangkad si pagsisisi kaya palagi siyang nasa huli. FYI naka cheriper si pagsisisi kaya tumangkad at laging nasa huli. Wala naman talagang pattern pagdating sa pag-ibig, bubuoin lang ng dalawang nilalang na alam ang mga salitang commitment at pagtitiwala.
Subalit datapuwat sa akin pagkakaalam wala naman talagang masasaktan kung lahat ng nagmamahal ay seneseryoso. At kung ang lahat ng manloloko ay natatapat din sa kapwa niya gago. Kaso mas nakakalungkot Ang reyalidad na 2 lang sa 10 katao ang may intentions na magseryoso. Kaswerte mo kung isa ka sa pinalad na makapareha ng 2 taong ito. Malungkot man pero yan Ang nananampal na katotohanan. Na pag hindi ka bet ni tadhana humanda ka ng makipag digma sa labanan ng puso at isip mo.(paasa ika nga) Paasa o sadyang umasa ka ng kusa dahil sa mali mong akala.
BTW may resbak si pag-ibig sayo. “Hindi ko kasalanan TANGA ka pag dating sa akin, magkaiba ang minahal at sa nilambing ka lang. Kaya huwag na huwag ka daw agad maniniwala. Hindi naman masama umasa, kaso huwag sobra sobra. Dahil sa dulo ikaw lang ang kawawa. Tandaan din matutong maging matalino, huwag masyadong papadala sa wave ng mga matatamis na pangako. Dahil sige ka ang dami dami na nilang nabiktima, dadagdag ka pa ba? Saklap naman ng sila na yun ginago sila pa ang binaliktad na manloloko.
Kaya Rest In Peace kay tunay na pag-ibig, hayaan mo makikipag libing daw yun mga paasa at malolokong gago.