Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

  • ROY G. BIV

Paano ba maalis ang iyong mga ala ala?

Paano ko ba sisimulan na kalimutan ka?

Paano ko ba mamasabi ang mga katagang ” sobrang sakit” sa masakit na paraan?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hiningi kita sa buwan, sa mga bituin , sa kalangitan.

Di ko alam na ganito pala , ganito pala umibig at masaktan.

Na kung talagang mahal mo ang isang tao dapat pakawalan mo siya sa mga bagay na magpapasaya sa kaniya kahit di ka kabilang doon, kahit hindi ikaw ang taong makakapagbigay noon,

Na kung talagang mahal mo siya,

Ang kapalit ng tawa at ngiti niya ay luha ng iyong mga mata,

Mahal na mahal mo pa siya at hindi mo masabi ang mga salitang iyan sa kaniya, at tanging ang malamig na gabi, malulungkot na kanta, at bote ng alak ang iyong naging uwian,

At tanging nakakaalam na minsan isang araw,

Umibig ka ng sobra at nalunod ka sa luha ng sabihin niyang,

Babae ako babae ka, hindi ko ito kaya.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required