Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kahit sa dulo na tayo magkita.
Di naman ako nagmamadali.
At di rin naman kita araw araw hinahanap.
Gawin mo muna ang mga bagay na ikaliligaya ng puso mo
Hanapin mo muna ang saysay
Na bubuo sa pagkatao mo.
Hanapin mo muna sarili mo.

Kahit sa dulo na tayo magkita.
Ikaw sana muna.
Bago ako.
O tayo.
Hayaan mo muna rin ako magisa.
Madami pa naman oras.

Ihanda mo muna ang iyong mga ngiti
Sa araw na hahawakan ko ang iyong mga kamay.
Sa panahon na buo ka.
Payapa.
Walang takot.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ihahanda ko naman ang mga kwento
Ng mga bagay na inilaban ko para sa pagdating mo.
Sa panahon na buo ako.
Handa.
Walang uurungan.

Hayaan na muna natin na SIYA ang magtakda.
Pagtagpuin tayo na di itatanggi ang isa’t isa.
Sasalubingin kita ng yakap sa araw na yun.

Kahit gaano pa kalayo ang sinulid na nagbubuklod sa ating dalawa
Wag kang magalala,
Sa dulo’y tayo’y magkikita.

Pero ngayon wag muna.

Wag muna kung di pa tayo handa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required