Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

  • Martir– ikaw, sila, kayo pero alam ko… ako. 2 taon simula ng una kita nkita. Nakakatuwa naman talaga kahit hanggang ngayon sobra kilig pa rin ako sa akap at halik mo at hawak sa aking mga palad na puro na kalyo pa.

    Andun pa din naman yung mga iba pero alam ko at ramdam ko na n nagbago na.

    Ngunit sabi mo nga walang permanente sa mundo at ang  lahat nagbabago. yung dating lambing mo sabay halik kahit may nginunguya pang burger sa bibig  ko. Yung ikaw n mismo ang kukuha ng isang kamay ko kahit ng da drive pa ako para lang makadaupang palad mo.  Yung kahit pagod ka sa trabaho mag eextend k ng oras mo makasama lang ako.

    Lahat nagbabago. diko alam bakit kailangan magbago, kahit minsan alam natin ginawa na natin lahat pero bakit nga ba  gusto natin masuklian ang pagmamahal na binibigay natin.-sino ba naman ng ayaw?.

    Madami ang nababasa ko sa mga kumento na iwan mo n etchetera etchetera hehe. Sana ganun kadali – Kayo kaya lumagay sa kalagayan ko.
    Alam kong mali..pero ako ito.. Naiintindihan ko n may mga araw n hindi maganda pero pag naiisip ko ang mga araw n masaya sino ba naman ako…. lahat naman tayo umaasa.. kung sa bandang huli ay wala talaga… basta ako sinubukan ko at susubukan ko pa hanggang sa aking makakaya hanggat andyan pa ang akap at halik mo di ako susuko… kahit alang tayo dahil alam nating bawal patuloy parin kita mamahalin sa paraang alam ko diko kaya sumuko wag ngayon -di ko pa kaya.