Sa Pag Lubog Nang Takip Silim
Categories Poetry

Sa Pag Lubog Nang Takip Silim

Gustuhin ko mang bumalik sa simula pero mukang malabo na ata..

Malabo nang maibalik pa sa kung paano ba tayo nung una, mga masasayang alaala na syang dahilan ko sa pag gising tuwing umaga..

“Patawad” mga kataga na iyong isinambit nung huli tayong mag kita..

Sa lilim nang dapit haponㄧ sa simoy nang sariwang hangin at alon mula sa dalampasigan, na tila isang magandang larawan sa pelikula ㄧ Subalit lahat ay biglang nag laho nang iyong binigkas ang mga salitang “Mahal ayoko na”

Mga salitang may talim na syang nakapag sugat sa akin hindi ko alam ang mga dapat kong maramdam o kung may dapat pa ba akong maramdaman..

Tinanong kita kung anong dahilan at ang sambit mo lamang ay “pagod kana” gustuhin ko mang ipag pilitan na mag pahinga mukang sa desisyon mo ay sigurado kana, gustuhin ko mang sabihin na ako man ay napagod din ㄧ napagod kang intindihin at unawain pero hinayaan ko na lamang, kasi alam ko rin naman na wala ng magagawa pa ang pag laban ko sa gera kung ako nalamang mag isa.

Isang dapit hapon kung saan ang istorya natin ay nag umpisa, kung saan ang unang pag kikita ay nauwi sa paalamㄧpaalam na wala nang hahantayin sa pag sapit ng bagong umaga.