Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi sapat ang okasyon ngayon upang ipagmalaki ang araw-araw na sakripisyo ng mga taong tumatayo bilang ating ina,kaya naman gawin nating makabuluhan at puno ng kasiyahan ang bawat buwan,oras,minuto at segundong kapiling natin sila”

Sa daigdig na aking ginagalawan,
Buhay na kayganda ang siyang napagmasdan,
Aruga at Pagmamahal na sa akin ibinigay,
Ito ang pundasyon kong di-mapaparam.

Sa murang edad ako’y tinuruan,
Magagandang asal na dapat kong malaman,
Mahirap man itong aking kalagayan,
Ito ang aking inspirasyon sa kinabukasan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ikaw ang nagsilbing tulay sa bawat daanan,
Sa mga pangarap na nais kong makamtan,
Pawis at pagod na iyong inilaan,
Hindi alintana habang lumalaban.

Marami mang pagsubok ang hinarap,
Payo ay patuloy habang nagsisikap,
Tinig mo’y hindi patitinag,
Sa bawat gising ko lagi kang kayakap.

Salamat Ina sa paglalaan ng oras,                         Sa mga kaalamang malawak at patas,
Pangako sa’yo ako’y magsisikap,
Upang ngiti mo,ang siyang magsilbing lunas!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required