Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa tagal tagal kong mag-isa

“sa tagal kong mag-isa nakasanayan ko na. Natuto sumaya mag-isa. Hindi kinailangan ang tulong ng iba.”

“sa tagal kong mag-isa hindi na ako naniniwala sa pag-ibig. Hindi na ko naniniwala na may makakakita pa sakin kung nasaan man ako noon. Hindi na ko naniniwala na may nilaan pa para sa akin.”

sa tagal kong mag-isa. Dumating ka.
sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon
hindi ko naisip na mababago ako.

nung dumating ka. Bumaliktad ang lahat. Naniniwala na ulit ako sa pag-ibig. Marunong na ko makinig sa iba, ngumingiti na ko ng abot sa mata. Bawat araw masaya kasi kausap kita.

pero kasabay nun.

Nagkaroon ako ng takot. takot na baka mawala ka nalang bigla, takot na baka kagaya ka rin nila, takot na saktan mo lang rin ako.

Isang araw nagising nalang ako at nagtatanong sa sarili.

“Bakit ako nandito? Bakit ka nandito? Ano ba tayo? Tayo na ba? Bakit tayo nandito?”

Hindi ko masagot yung sarili kong tanong.
hindi tayo pero parang.
Magulo, ang gulo mo at ko

sa tagal kong mag-isa
sa tagal kong naghintay
bakit ikaw ang binigay?
Yung kabilang sa mga hindi siguradong bagay?
hanggang saan tayo maglalakbay?

Kung iiwan mo lang din ako. Gawin mo na ngayon palang fvck off!

Love, chcknbbq




Send me the best BW Tampal!

* indicates required