Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

(Bride)

Naging madilim man ang karanasan
At nalito sa nakaraan
Hindi ito mawawakasan
Muling bumangon sa katotohanan

May bahaghari pagkatapos ng ulan
Sabi sa kanta na aking napakinggan
Araw ay sisikat at pag-asa ay masisilayan
Mga palatandaang panghahawakan
Na Hindi makukuha ng kahit sino, kailanman
Puno ng kasiyahan at kagalakan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ganon ang buhay ko noong wala ka pa
Sapat at tiyak ang mga planong naisulat ko na
Simple at maayos ang mga papel na nailapat na
Handa na akong harapin ang lahat nang mag-isa

Tinanggap na ng puso at kaluluwa
Hindi ko na inilaban pa
Dahil ako naman ay kuntento na
Pero iba yata talaga ang plano Niya

Siya na may kakayahan na baguhin ang lahat
Hindi ko inasahan
Hindi ko na ipinagdasal
Ngunit dumating ka
Ipinakilala ka Niya
Sa paraang hindi ko inakala

Nasira ang lahat ng plano ko
Nagbago ang takbo ng buhay ko
Hindi ko napaghandaan
Hindi ko na matanggihan…

(Groom)

Dumaan man sa iba’t-ibang landas
Sinubukan sa paglipas ng oras
Pinatibay nito ang tiwala sa Itaas
Ang puso ay pinatatag at pinalakas

Sa iyong pagdating sa aking buhay
Nakita kong may kaya pa palang ibigay
Pwede palang mawala ang lahat ng lumbay
Ang mga ngiting dala mo ang patunay

May panahong ito ay iyong tinanggihan
Dahil sa mga pag-aalinlangan
Ngunit hindi ko ito tinigilan
Dahil dito sa puso ko, alam kong wala na itong atrasan

Handa ako sa magpakailanman
Kahit ano pa ang maaaring pagdaanan
Akin itong ipaglalaban
Ang Diyos ang gagawa ng paraan

Ngayon, nandito na tayo
Buo ang tiwala sa lahat ng Kanyang plano
Mananatiling tapat at totoo
Ang mga papel na Kanyang inilapat ay hindi na mababago

(Bride and Groom)
Siya na ang kumilos at nagbigay ng kahulugan
Sabay nating harapin ang walang hanggan

Send me the best BW Tampal!

* indicates required