Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Simula ng umalis ako ng Pilipinas
Hanggang ngayong magtatatlong taon na ako sa Texas
Pangalan mo ang laging binibigkas
Ikaw ang nais makapiling sa mga bukas.
Pero alam kong ako lang naman ‘to
Malabo naman talagang maging tayo
Hindi ka naman nagtapat
Pinagsamahan nati’y hindi sapat.
Ako lang naman ang kumakapit
Sa karinderya at 7-11 moments
Kamustahan at random na usapan
Tuwing Lunes at Huwebes.
Pasensya na kung ikaw ay aking naabala
Dahil hirap akong bitawan ang ating mga alaala
Kung sakaling ako’y naging pabigat
Isang libong patawad sana ay sapat.
Kaya heto na bibitaw na ako
Papalayain ko na ang sarili ko
Ibabaon ko na ang ating mga alaala
At hindi na muling maghahangad ng higit pa.
As I end my poem, I hope I end my love for you too. Yes, I loved you. I love you. But it doesn’t matter anymore. It never mattered. Because you never felt the same way. I’m letting you go, I’m setting you free. All I hope is for you to be happy. Please be happy, my TOTGA. Thank you for being my coping mechanism for the past 3 years. Today, I’ve decided. I’m letting you go. I’m setting you and me free from our memories. I’ll still treasure and keep it dear to me. But I won’t dwell on them any longer. I’ll stop thinking of all the what-ifs and what could’ve been. I’ll live and focus today instead of living in the past. I love you, goodbye.