Salamat sa Alaala at Sakit

Nagsimula sa salitang gusto kita
Nagtapos sa hindi ko na kaya
Bakit?
Pero salamat sa alaala at sakit

Mga mata mo’y masaya
Kapag ako’y nakikita
Pero bakit?
No’ng ako’y umiiyak, binabalewala na.

Andami mong pangarap
Lahat para sa atin.
Pero bakit?
Ni isa walang natupad.

Kapag tumatagal ba,
Puro nalang salita lahat?
Wala na yung pangarap?
Sasabay na lang sa buhay?

Sinubukan kong ayusin, kung pwede pa
Pero bakit ako yung nabago?
Kasalanan ko?
Pasensya.

Pasensya nung nakita ko
Na ang lahat pala
Para sayo
Wala ng halaga.

Dahil ba nasanay ka
O, ako yung wala ng kwenta?
Masakit, pero salamat
Sa mga alaala at sakit.

Exit mobile version