Siguro … Buti Na Lang

Siguro … Buti Na Lang

 

Siguro tayo kung hindi tayo sumuko.

Siguro tayo kung di ako nagpadaig sa nararamdaman ko.

Siguro tayo kung mas naging maunawain ako.

Siguro tayo kung nagtanong muna ako.

Siguro tayo kung di ko nalang inalam ang totoo.

Siguro tayo kung hindi ka rin sumuko.

Siguro tayo kung binaba mo yung pride mo.

Siguro tayo kung sinubukan mo man lang na suyuin ako.

Siguro tayo kung sinubukan mong maging tapat at inamin mo sa’kin ang totoo.

Siguro tayo kung walang sya habang merong ako.

Siguro tayo kung ipinaglaban kita at ‘di kita ipinaubaya.

At siguro tayo kung natuto tayong maging mapagpakumbaba.

Ang lahat ng “Siguro” na ‘yan, ngayon ay napalitan na ng “Buti Na Lang”.

 

Dahil….

 

Buti na lang sumuko ako, tayo.

Buti na lang nagkasakitan tayo, may natutunan tayo.

Buti na lang ‘di tayo nagtagal.

Buti nalang pareho tayong sumuko, hindi tayo gaanong lumayo.

Buti nalang nagkalayo tayo.

 

Buti na lang. . .

Nakilala ko ang sarili ko nung panahong kinakalimutan kita.

Nakilala ko ang taong naging dahilan ng panibagong saya ko ngayon.

Natutunan ko ang maglaan ng oras sa sarili ko.

Natutunan kong mahalin ang mga taong nasa paligid ko na hindi ako iniwan mula noon.

Nakilala ko sya nung wala ka.

Naging mas masaya ako at naging matatag ako.

 

Kaya tinatapos ko na sa “Ako” ang tulang nagsimula sa “Tayo”.

Exit mobile version