Simbuyo ng aking damdamin
Categories Relationships

Simbuyo ng aking damdamin

Umaapaw ang kirot
puso kong kinukurot.
Hindi mapigilan ang sakit
ngayon ay humihikbi.
Pag-ibig kong di maikubli
kahit paggiliw mo di isukli.
Pagtingin di ko maiwasan
Pagmamahal kong di mabawasan.
Mga luhang dumadanak sa oras na ito.
Hindi ako mapapanatag,
hangga’t hindi mo sinasabi sakin
ang tunay mong nararamdaman.