Hinayaan ko lang lahat ngunit hindi ibig sabihin hindi ako nasasaktan.
Hindi ko masabi kasi wala namang karapatan.
Tanung ko sa sarili bakit ba hinahayaan kita gawin sa akin ito? Bakit ba kahit sobrang sakit na ayaw pang bumitaw. Bakit ba pinili pa rin manatili sa tabi mo kahit pilit sinisigaw ng isip na TAMA NA nasasaktan ka na. Lagi ko tinatanung bakit?, bakit?, bakit?
Pilit iniwasan ang sagot sa lahat ng bakit., Yung siyam na letra hindi masabi sayo.Mga letrang dahilan kaya maraming tanong na “BAKIT?”
Ako lang ba ang masaya pag magkasama tayo? Ako lang ba ang nasasaktan at nahihirapan? Ako lang ba ang nagmamahal? Ako lang ba ang may gusto na ituloy ito? Ako lang ba? Yan ang mga tanung kaya may “BAKIT”. Ngunit ang siyam na letra pa rin ang sagot sa lahat ng katanungan.
Pumusta pa rin kahit alam kung sa huli talo parin ako..
Ang tanging nararamdaman ko ay ang sakit ng katotohanan na ayoko tangapin hangang sa huli. Ngunit nangyari na. Wala sa ating dalawa ang may lakas loob na magsulat sa unang pahina ng libro, bagkus nakaabang sa huling pahina kung saan magtatapos ang istorya nating dalawa. Isang mapait na pagtatapos.
Minsang pinagsaluhan ang mga gabing tayo lang dalawa ang nakakaalam, Mga matatamis na halik at mga mahihigpit na yakap na akalay wala nang katapusan.Kung hindi mo sana ginawang kumplikado, sana nagkalapit ang loob naten, pero mas ginusto mo pang maging malabo tayong dalawa..
Current Article: