Catacutan ka pa rin?
Tanong mo saakin.
Isang tanong na nag reresound saakin hanggang alas dose ng madaling araw.
Inabot ng kinabukasan.
Dumating sa puntong napa search ako sa Annulment Assistance ng biglaan.
Na Gaslight nanaman.
Pakiramdam na lagi kong pinagdadaanan.
Napaisip ng biglaan, deserve ko nga ba yan?
Kahit diko naman kasalanan.
4 na taong nagsama. Iyakan at tawanan.
Madalas may halo ding landian. Pero sadyang pinanindigan, hanggang sa Isang taon na ang hiwalayan, puso ko parin e andyan. Kumakaba parin sa simpleng kwentuhan.
Napag tantu ko lang.
Deserve ko nga ba yan?
Deserve ko nga bang ako lang?
Ako lang ang umiintindi.
Ako lang ang nagpapahalaga.
Ako lang ang syang lagi kang inuuna.
Ako lang ang syang tumatanggap kahit ang sakit sakit na.
Sa muli nating pagkikita.
Muli nanamang naguho ang pader na pilit kong binubuo ng makalimutan kana.
Kay tanga nga diba?
Nakakapag taka,
Tanong ng nahihiya kong bunganga,
Uy, aalis kaba talaga?
Pwede bang wag na?
Sa kagustuhan ko pang makasama kapa.
sambit ng bibig? 2 Botts? Tara?
Pero ang ending, sawi ka ineng.
Di na ikaw ang priority.
Katotohanang dapat ng mas i-priority.
Di na ikaw ang kailangan ng taong kailangan mo.
Biglang sampal ng masakit na katotohanan.
Mas sumasaya na syang wala ang anino mo.
Mas sumasaya na syang di ikaw ang tinutungo.
Mas sumasaya na syang wala sa piling mo.
Catacutan ka parin?
Tanong ng taong pilit kong ginagawang layunin.
Apelido nyang gustong gusto kong mapasaakin.
Pero sadyang kay hirap parin.
Lalo na kung ang puso nya’y dina saakin.
PS: Singlemom for almost 10 years.