Suntok sa Buwan
Categories Poetry

Suntok sa Buwan

Suntok sa Buwan

 

Tila napakagandang pagmasdan

Mga bituin at ang buwan

Na sa kabila ng dilim ng kalangitan

Ito’y patuloy na nagbibigay ng kaliwanagan.

 

Liwanag na magpapadama sayo

Liwanag na magpapa-alala sayo

Na kahit na sobrang hirap na ng pinagdaanan mo

May liwanag pa din na naghihintay sa dulo.

 

Ganitong ganito ang aking naramdaman

Noong ika’y unang masilayan

At dahil sa tuwing ika’y aking pinagmamasdan

Pakiramdam ko’y laging gumagaan

 

Naalala ko pa, noong una kitang makita.

Kakaibang saya ang aking nadama

Yung para bang matagal na kitang kilala

Na para bang sa puso ko’y, matagal ka ng nakatira

 

At sa paglipas ng panahon

Sa bawat mahirap na sitwasyon

Ikaw ang aking naging inspirasyon

Isang biyayang nagmula sa Panginoon.

 

Ano pa nga bang dapat na gawin ko?

Upang ako ay mapansin mo

Sa dami ng nagkakagusto at nagmamahal sayo

Mayroon pa kayang laban ang isang tulad ko?

 

Hanggang ngayon ay umaasa

Hanggang ngayon ay naghihintay na sana..

Na sana dumating ang isang umaga

Umaga na pag gising mo, ako na ang iyong nais na makasama.

 

Sana. Sana. Sana talaga.

Sana ako ay magising na sa katotohanan.

Katotohanan na kahit kailanman ay di ko siya kayang pantayan.

Katotohanan na simula pa lang ay wala na kong laban.

Dahil sa simula pa lang naman ay iba na ang nilalaman.

Nilalaman ng puso mong walang ibang sinisigaw kundi ang kanyang pangalan.

Katotohanan na makapiling ka’y, isang suntok sa buwan. 

Prev Suntok sa Buwan
Next Suntok sa Buwan