Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Darating talaga ang panahon
Na darating ang isang tao sa buhay mo
Yung taong hindi iindahin ang mali sayo
Yung taong hindi ka huhusgahan
Yung taong alam ang buong pagkatao mo
Pero hindi kelan man nakita ang kakulangan mo
Pero nakita ang kalooban mo
At tatanggapin nya ng buong buo
Ng walang pagaalinlangan
Kung ano ka
Kung sino ka
Kung ano ang nakaraan mo
Tatanggapin nya ang peklat ng iyong kahapon
At masasabi mo sa sarili mo na..
Sya na nga..
Salamat po Lord..

Send me the best BW Tampal!

* indicates required