Bakit ka Single?

550

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bakit ka single tanong na madalas mo marinig
pero alam mo ba sa likod ng tanong may isang maliit na tinig.
tinig na nag sasabing wag mo bangitin
kasi masakit alalahanin kung bakit magisa ka parin.

minsan katuwaan nalang ung concepto
sa kulitan,social media, kahit sa bahay narirnig ko
bakit ka nga ba single?
pati sa sarili yun ang tinatanong ko

siguro kasi mapili ka?
o baka naman nahihiya ka lang tlga?
single ka kasi wala ka ng tiwala sa iba?
o dahil masakit parin kaya hindi mo pa kaya?

ang hirap isipin minsan noh
na may taong dumadating na magsasabing ako ang bubuo sayo.
hindi kita sasaktan, mamahalin kita kahit hangang dulo
pero ang totoo yung mismong tao pang yun ang unang mang-iiwan at wawasak sayo.

ang hirap pulutin ng sarili pag basag na basag ka na
basag ung puso pati sa alak basag ka pa
paulit ulit mong pilit iintindihin bakit ako pa??
ako na nagmahal lang at nag tiwala sa mga sinabi nya?
hindi nag kulang, hindi ko dn pinansin kahit sobra na
sobra ung binigay mo kahit kulang ung kanya
para kang nagbayad ng buo tas hiningan ka pa ng barya.

“a glass that was broken can be fixed but it will never be whole again”
masakit isipin pero totoo
kasi andami ng lamat ng puso mo
na kahit anong pilit mong buin
wala ehh BASAG KA PARIN.

so ikaw bakit ka single?