Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kamusta ka na?
Kay tagal na nang tayo’y huling magkita
Muling nagbalik ang ating mga alaala
Ng minsa’y ika’y makasalubong at nagtama ang ating mga mata

Naaalala mo pa ba?
Noong mga panahong isinasama mo ako sa mga panaginip mo
Ngunit ika’y nagising at bumangon
Habang ako’y naiwan at nanatili na lamang sa panaginip

Nakalimutan.
At di na mabalikan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ako’y naghihintay pa rin
Na muli mong mahalin
At sa aking piling ikaw ay magbalik
Dahil ako’y sayo’y patuloy pa ring nananabik.

Hinahanap-hanap ko’y ikaw pa rin
Kaya’t ang puso ko’y hirap pa ring tanggapin
Na sa buhay ko’y ika’y naglaho na
At ikaw ay masaya na sa piling ng iba

Puso’t buhay ko’y binigay ko sa iyo ng buo
Ngunit bakit iyong ibinalik ng pira-piraso?
Paano tayo humantong sa ganito?
Sinong nagkamali, ikaw ba o ako?

Mahal,mahal pa rin kita.
Istorya nati’y hanggang dito na lang ba talaga?

O dapat ko ng tanggapin na tayo ay tapos na?
Na ang pagmamahalan natiý hindi mabibigyan ng bagong simula
Akoý naiwang mag-isa
Ngunit ika’y naging malaya.

Pero mahal, mahal pa rin kita.
Mahal na mahal kita kaya pipiliin kong ikaý maging masaya.
Para sa iyong kaligayahan, akoý magpaparaya
Kaya mahal, malaya ka na.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required