Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paano? paano ko nga ba?
ma-isusulat ang mga salita
na sa puso ko nagmumula
mga letra na sa mga luha ko ay gawa,
talata na nagsasabing ika’y mahalga
paano nga ba? kung akin paring naalala.
mga higpit ng yakap mo na nagbibigay sa akin ng pag asa
na babalik kapa,
paano kung ang halik na dati’y kay tamis
ngayon ay poot at pait ang naging kapalit
sinubukan ko pang habulin at sayo ay lumapit
pero bakit ang hakbang mo’y papalayo sa akin?
Paano ko pa masasabi
na ang makasama ka ang nagpapsaya sa akin
paano ko pa masasabi
mga letra na sa sa puso ko’y kay tagal kinubli.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required