Tagong Pag-Ibig
Hindi masambit ng aking bibig
sa tuwing kasama ka ako ay kinikilig
ikaw ang bukang bibig ng pusong ito
tunay ngang ako’y nabihag mo
Ako’y namamangha sa taglay mong ganda, sa bawat oras ay gusto kang makasama, tagong pag-ibig sana’y maamin na.
alam mo na kaya ang aking nadarama?
Sa akin rin kaya’y may pagtingin ka?
paano na kaya? hindi sinasadya
Hindi kayang magtapat ng puso ko
ngunit ano nga bang magagawa ko?
sa bawat oras ikaw ang nasa isip ko
hindi ka na nga maalis sa puso ko
Lagi kang laman ng panalangin ko
gusto kong malaman mo nandito lang ako, handa kang suportahan sa mga gusto mo
puso ko’y handa na, ako’y aamin na
Tagong pag-ibig ay masasambit na
gusto na kita, mahal na kita
ngunit hindi pa tama ang panahon para malaman mo sinta, kaya itatago ko na lamang ang aking nadarama hanggang sa ito ay maglaho na.
– Brad