Kung alam mo lang kung gaano
ko gustong sambitin,
ang mga katagang nais mong marinig.
Kung alam mo lang kung ilang beses
kong gustong sabihin na mahal kita
ngunit ako'y natatakot
sa mga posibleng mangyari
na baka ganito, na baka ganyan.
Hindi naman sa hinding-hindi,
ang aking sagot sa iyong katanungan.
Hindi naman sa hindi kita mahal,
dahil alam kong alam mong
meron na akong nararamdaman para sayo.
Hindi naman sa ayoko muna,
dahil excited nga ako para sa ating dalawa.
Natatakot lang kasi talaga ako
sa mga posibleng mangyari.
Oo. Ang babaw ng rason ko.
Alam kong hindi reasonable mga ito.
Hindi ko mawari kung bakit
ano 'tong takot na nalalatay
kung saan nanggaling,
pero wala kang kasalanan.
Ako ang may problema.
Hindi ko lang alam
Kung saang banda.
Current Article: