Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sana maghintay ka din kahit hindi para sakin. Hayaan mo lang na maghintay tayo.

Pinipili kong hintayin ka kahit hindi ako sigurado, pero hayaan mo lang. Sa paghihintay ko sayo, aayusin ko ang sarili ko. Kung dumating man ang panahon na hindi talaga tayo, buo akong haharap sa taong nakalaan talaga para sa akin. Kaya hayaan mo lang.

Hayaang mo lang na sa mundong puno ng gulo, pagmamahal ko sayo ang nag iisang sigurado. Hayaan mo lang na dalhin ako nito patungo sa lugar na magiging produktibo ang buhay ko. Hayaan mo lang na magkaroon ng layunin at patutunguhan ang buhay ko, kahit hindi ako sigurado kung ikaw ba talaga ang naghihintay sakin sa dulo.

Hayaan mo lang. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na ibalik sakin ang pagmamahal na binibigay ko sayo, dahil sa huli alam kong ako pa din ang panalo. Pinagpapala ng higit ng Diyos ang nagbibigay. Handa na ako sa pagpapala na iyon kahit hindi ikaw. Mahal kita kaya hayaan mo lang. Hayaan mo lang at sa bandang huli kahit hindi ikaw, mayroon din akong destinasyon na sadyang titigilan. Maaring hindi ito ang inaasahan ko, ngunit magiging masaya din ako. Hayaan mo lang, may patutunguhan pa din ang paghihintay ko. Sana ganoon ka din, sa paghihintay mo para sa ibang tao.