“Pagtaksilan” yan na yata ang pinaka-masakit na bagay na maaaring gawin sa’yo ng minamahal mo, ngunit paano kung ikaw na nagmamahal ang mismong naging taksil sa iniibig mo. Masasabi mo pa bang mahal mo sya o pasensya na lang ang hihingin sa kanya?
Taksil ba ako kung naisin kong umibig ng iba?
Sa haba kasi ng hinintay kong panahon para sa aki’y bumalik ka, minsa’y nawawalan na ko ng pag-asa kung totoong may pangalawang pagkakataon nga ba para sa’ting dalawa.
Taksil ba ako kung maglaan ako ng oras at magbigay pagkakataon sa iba para mahalin ako?
Kaytagal na panahong ako’y nalilito sa kung ano nga ba ako para sa’yo, siguro hindi naman kalabisan kung sa iba ako’y umasa na sana sa pagkakataong ibibigay ko sa kanya ay malimot na kita.
Mali bang maging taksil sa pag-ibig na hindi mo alam kung may patutunguhan?
Sabi nila matalino naman daw ako, ngunit bakit ganito? Kahit pilitin kong sagutin ang sarili ko na “Hindi ako taksil sa iyo” na dapat lang na limutin na kita at bumitaw na ako ay hindi ko pa rin magawa. Minsa’y tinatanong ko nalang ang sarili ko, ang haba na yata ng panahong sinayang ko para sayo, ang dami na yata ng pag-ibig na itinapon at pinagsawalang bahala ko, bakit hanggang ngayo’y naroon pa rin ako sa panahong ako pa ang nasa puso mo.