Tara!Laro Tayo
Basketball
Eto na yata ang pambansang laro ng ating bansa
Laro na gustong-gusto ng kahit na sino
Bata man o matanda
Lalaki man o babae
Tomboy man o bakla
Bakit nga ba madami ang naghuhumaling sa isports na ito?
Especially,sa mga kalalakihan
Dahil ba madaming gwapo?
Pero kahit di kagwapuhan basta magaling maglaro
Pumo’pogi pa din..tama di ba?
Ay!may bola pala silang pinag-aagawan
Mabuti pa yung bola pinag-aagawan
Mabuti pa yung bola may halaga sa kanila
Iniingatan at hindi pwedeng balewalain
Pero pagdating sa kanya,hindi mo man lang makita halaga niya
Pag naka 3 points shoot,mapapa wow ka na lang
Sabay pa ng pag sigaw na “Proud ako sayo,Mahal”
Ei siya?Proud din ba sa’yo?
Ayun,biglang pumito si Ref,
Tsk..Offensive Foul ka brad
Pero okay lang dahil sa kanya,kahit pushing foul ka o ma thrown out ka sa court
Tanggap ka pa rin niya..
Ganun siya magmahal..ganun ka niya kamahal
Bilog ang bola mga Tol,
Sana wag mo siyang paikot-ikutin sa buhay mo..
Bigyan mo rin siya ng oras at halaga..
Minsan lang magmahal ang isang katulad niya ng isang katulad mo
Na halos ibuhos ang sarili sa larong gusto mo..
Ang bawat pagdi’dribble mo sa loob ng court,
Ang bawat lay-up mo,pag rereverse mo
Lahat supportado ka..pati jersey number mo ginaya pa..
Kaya Brad..ingatan at mahalin mo siya
Tulad sa larong paborito mo..
Maging isang tunay ka na MVP sa buhay niya..
Volleyball
Ang sarap sa pakiramdam pag naka isang spike ka sa larong ito
Ang galing ni Idol
Sana makadami ng puntos,sana matalo ang kalaban
parang pagmamahal ko sa kanya
sana manalo ako sa Puso niya
kahit gumulong pa ako sa court
kahit mabalian pa ako sa kamay
ibibigay ko ng buong-buo ang puso ko sa kanya
tulad ng pagbibigay ko ng buong buhay ko sa larong ito..
biglang nag time-out si Ref
ano yun?
Parang pagmamahal niya sa akin
Biglang nahinto.biglang nawala
Okay na sana..ilang Segundo na lang
Kami na ang lamang
Pero may humarang
Isang laro ba ng tadhana ito?
O talagang hindi kami ang ipinagtagpo?
Nagsimula na ulit ang laban
Nakapuntos ka na
Dahil bumalik ulit siya sa buhay mo
At ayun!ni received mo na ang bola
Tinanggap mo ulit siya
Ano ba talaga kasi..pati mga nanonood nagugulahan na
Pati ikaw naguguluhan sa nararamdaman mo,
Kaya ko pa kaya?
Kaya ko pa bang ipaglaban ang nararamdaman ko?
May pag ACE service pa ako, may pag “pancake” pa kong nalalaman
At ang ganda ng Assist ko..
Oo,sobrang binigay ko ang lahat para sa kanya
Ngunit anong napala ko?
Wala..oo,minahal niya din naman ako
Pero panandalian lang..
Hindi ko man lang pinaghandaan ang pag”Attack” niya
Kaya ayun,”Attack Error” tuloy ako
Sa klase ng laro na ito
Patibayaan ng loob ang konsepto
Kahit masaktan,Kahit hindi maka-iskor
Tuloy lang ang laban..manalo man o matalo
Ang mahalaga ipinakita mo kung gaano ka kalakas
Pinakita mo na minahal mo siya kahit hindi karapat-dapat
Gayahin mo lang ang Idolo mo
Si Allyza Valdez..
malakas ang loob na lumaban at hindi kaylanman sumuko
darating ang panahon na makakatagpo ka ng tunay na magmamahal sayo
at sa bandang huli makikilala ka na isang magaling at tunay na MVP
sa larong ito at sa laro ng Pag-Ibig.
-dedicated sa mga mahilig maglaro ng sports na ito 🙂
sana magustuhan niyo 🙂