Natural sa ken ang pagiging madaldal. Ayoko kasing may nabobored at the same time ayokong tahimik ang paligid ko. Pero nung nakita kita, iniba ko ng sarili ko, Ayoko naming maging easy to get type.
Di nagtagal, araw-araw na kitang nakakasama at nakikita. Hindi ko namalayan na unti-unti na kong nahuhulog sayo. Kausap kita na parang walang bukas, wagas kung makapag chat sayo, tadtad kung tadtad ang messages. Ang sabi nila, baka naman nadadala ka lang kasi araw araw kayong magkasama; baka infatuation lang yan. Pero I know deep inside, hindi sya ganun.
Sa dami ng mga salitang lumalabas sa bibig ko, may tatlong salita ako na hindi mabanggit banggit, ‘Gusto kita sinta’. Natatakot kasi ako na baka di mo tanggapin, na baka di mo ibalik yung nararamdaman ko. Hinayaan ko na lang na lumipas ang panahon na hindi ko pa rin nasasambit sayo, kasi masaya akong nakikita kang masaya.
Dumating ang araw na nalaman kong may mahal ka pala, dun ako napalayo saglit. Dun ko nabulong ang mga salitang, ‘Huli na pala’. Pinagpatuloy ko ang buhay ko, kahit na araw-araw pa rin kitang nakikita at unti unti akong nawawasak. Unti unti kong binago sarili ko, dahan dahan na kitang hindi kinausap, hindi kinibo. Kada gigising ako sa umaga, paalala ko sa sarili ko ‘masasanay ka rin’ at ’hindi sya kawalan’.
Nang di na kita masulyapan, di ko maitago ang lungkot na nadarama. Tinuon ko sarili ko sa bagay na matagal ko nang gustong gawin, nakakilala ng mga taong tinaggap ako ng buo. Pero walang araw na hindi kita naalala, iniisip na baka kung una pa lang kahit impossibleng magkaroon ng tayo noon, baka ngayon na yung panahon natin. Ngunit sa takot kong muling sumugal, mas pinili kong antayin ka ng palihim. Sa tuwing pipilitin ako ng puso kong magparamdam sayo, takot yung sumasalubong saken. Pero ang totoo, naghihintay pa rin ako sa araw na maalala mong mahalin naman ako.
Lumipas ang ilang taon, at bumati ako sa araw ng yong kaarawan. Kinabukasan, nagsimula ka nang mangulit. At unti-unti ko ulit naalala yung sakit ng kahapon. Nag iba ang ikot ng mundo ngayon, ako naman ang mahal. ‘Kakausapin ko sya…pero hanggang friends pa rin ang level’, sambit ko sa sarili ko. Ikaw naman ang kumilit, ikaw naman yung naging madaldal, ikaw naman yung nonstop ang chika. Alam kong may mahal na kong iba, pero bakit ganun? Bakit bumabalik yung feelings ko for you?
Isang araw, naglakas ako ng loob akong sabihin sayo yung lihim na pagtingin na meron ako sayo noon. Masaya ako kasi natanggap mo, pero ‘huli ka na’, kasi naunahan ka na ng iba. Di na ulit tayo pwede, pinilit kong isalba kung ano yung nasimulan natin. Pero naging mailap ka, iniwas mo na rin sarili mo sa ken. Yung dating masayang pag uusap, naging kasing lungkot ng cementeryo.
Pilit kong inalam kung bakit ganun ka kabilis magbago, ang sabi mo ay ‘naooverwhelm ako sa mga chat mo’. Pero ganun naman din ako sayo noon diba, ako ata nanibago sayo. Salamat kasi nirespeto mo ko, pero hiling ko sana sayo na wag mo na sanang dalasan ang pag uusap natin, iblock mo muna sana ako, kasi matetempt ako na kausapin ka pa rin. Pinilit kong gawin mo yun, pero ang sabi mo di mo kaya. Kaya this time, ako na lang ulit ang lalayo sayo.
Bago pa man matapos ang araw, may sinabi ako..’sa tuwing kakausapin mo ko, lagi kong ilalagay sa tatlong salita yung irereply ko’. Kailangan ko ulit sanayin sarili ko na mag iba ng katauhan pagdating sayo. Masasaktan na naman ulit ako, pero para to sa ikakatahimik ng puso at isip ko.This time, ako na ulit yung taong kasing lamig ng yelo. Sa sobrang sakit, binanggit ko yung mga huling tatlong salita na gusting kumawala sa bibig ko. ‘Malaya ka na’…’Pagod na ko’..titigil na ko’…’Paalam na mahal’…
Hanggang sa muli.