Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ayoko na sayo
tatlong salita na gusto ko sabihin sayo sa tuwing nasasaktan ako dahil alam kong imposibleng maging tayo.

Iiwasan na kita
tatlong salitang gusto ko gawin sa tuwing nararamdaman kong option at pampalipas oras mo lang ako.

Ang tanga ko
tatlong salitang nangyayari sa kin sa tuwing nahuhulog ako sa mga mabulaklak na salita at sa mga sweet na pinapakita mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Huwag na bumalik
tatlong salitang gusto kong mangyari sa ngayon dahil alam kong pag bumalik ka muli sa buhay ko muling mahuhulog ako at masasabi ko nanaman ang tatlong salitang MAHAL PA KITA.

Oo mahal pa kita!
Kaya please bumalik ka nalang pag alam ko na sa sarili ko na di na ako mahuhulog at masasaktan sa kahit na anong gagawin mo at masasabi ko na rin ang tatlong salitang MASAYA NA AKO.

Masaya na ako dahil di na ako masasaktan, aasa at hindi ko na mamahalin ang taong katulad mo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required