Teka! Saglit — Time first

Ang oras ay tumatakbo, Minsan sinasabi nila ang oras ay “dumarating”

(Papaano kaya kung ang oras ay dumating na?)

Yung dating bata ka ngayon tumatanda na
Yung alaga mong pusa wala na
Yung dati mong damit hindi na kasya
Yung lugar na nakikita mo ngayon hindi na
Yung oras ng taong nasa
paligid mo at minamahal mo
Ay lilipas at papanaw na.

 

(Kelan mo pa kaya maiisip ito?)

 

Darating ang oras sa iyong pagtanda
Hindi mo na maririnig ang tinig ng mga ibon
Ni masilayan ang ganda ng dapit-hapon

 

Darating ang oras na hindi ka na makabangon sa higaang nilipas na ng panahon, ni tumalon tuwing bagong taon.

Kelan mo pa kaya maiisip ito?

 

Darating ang oras, Minsan — sa Hindi inaasahan.
Pag dumating na ito— wala ng bawian
Ni hindi mo na mababalikan

 

Hanggang kailan mo pa maaisip ito—
Kung huli na o Tapos na.

Bago matapos ito, aking napagtanto
Darating ang oras natin, tulad ng kidlat
o hangin, hindi natin alam ang oras nadarating.

Binigyan tayo ng segundo, oras at panahon ng ating Manlilikha

— ginamit mo ba ng tama?

Naisip mo na ba na
hindi sa unahan ang pagsisisi
“Kundi sa huli.”

Hindi lahat ng pwede ngayon ay
Bukas pwede pa.”

 

Ecclesiastes 3:1

Sa bawa’t bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa’t panukala sa silong ng langit:

 

#BoilingWaters

 

Exit mobile version