“Na-reto po ako ng kaibigan ko sa kapatid niya. Since nasa ibang bansa po ako, nagkaka-chat lang po kami ni guy. Three months na po kami magka-chat and hanggang ngayon hindi pa po kami nag-uusap regarding sa… amin… ay sa situation pala namin. Kasi wala naman pong kami…? Medyo naging close na din po kasi kami. Actually pati po ako lito na kung ano nga ba tong situation namin? Gusto ko lang naman po sana ng clarity. Gusto ko na din po itong guy and interested pa po sana ako makilala siya. Pero hindi ko po alam san lulugar. Ayoko po sana na mag-sayang pa kami ng oras. Ang gusto ko po sana manggaling sa guy kung manliligaw po ba siya. Sa totoo lang gusto kong itanong sa kanya, “Ano ba ang plano mo? Liligawan mo ba ako?” Is it safe to assume na we’re both trying to build this friendship and seeing if we can take this to the next level?”
Katulad ka ba ni “Self” na nalagay sa ganitong situation? Ang hirap noh? So when is it safe to assume? And is it really safe to assume? Kasi di ba kaya nga kayo nireto kasi pareho kayong single and ready to mingle?
Answer: IT IS ALWAYS NOT SAFE TO ASSUME! Ang motto: NEVER ASSUME parin!
In this type of situation, dapat sa una pa lang ay nailatag na yung mga boundaries and purpose kung bakit kayo pareho pumasok jan.
Here are some tips and questions to ask yourself kapag ikaw ay napunta sa RETO SITUATION:
- Ano ba ang purpose niyo pareho? Siguro maganda na ilatag niyo pareho kung ano yung mga expectation niyo sa pag-pasok sa ganyang situation. Magandang kilalanin niyo muna ang isa’t isa since never pa naman kayo talaga nagkita o nagkakilala. Marami akong kakilala na nareto lang eh feeling nila agad pwede na sila manligaw o nag-assume na liligawan na sila agad. (Teka lang naman) I know exciting makakilala ng tao. “Naku! Baka siya na nga si the one!” “Ay pareho kaming mahilig sa cactus! Bagay!” Minsan masyado tayong high sa mga emosyon natin na gustong-gusto nating i-express agad ang ating mga sarili sa isang tao. Again, huwag tayong umaakyat ng hagdan na nilalampasan yung una at ikalawa at ikatlong lapag ng hagdanan. Minsan kailangan 1st step muna. Get to know the person. Get to know without an agenda.
- Kung kikilalanin as friends, kilalanin lang as friends. Try to be as neutral as possible in your conversations. For guys, wag mo munang hatawan kung wala namang balak ligawan. Balik sa step 1: Kilalanin without an agenda.
- Mag-lagay ng boundaries gaya ng: huwag pag-puyatan i-chat si ate gurl or si kuya guy, huwag mag-sesend ng selfies at ng ulam (hindi siya o-order), ilagay sa oras ang pag-chat at huwag mag-demand ng oras sa kabilang party. Again, hindi niyo priority ang isa’t isa. Huwag magbigay ng motibo hangga’t hindi malinaw ang pakay niyo sa isa’t isa.
- Ano ba ang values mo? Goals? Morals? Meron ka nga ba niyan? Take this time to assess and pray. Pareho ba kayo ng values in life? Pareho ba kayo ng direksyon na tinutungo? Baka pala walang balak pumunta sa ibang bansa si kuya? Pwede ka ba sa LDR?
- Are your convictions ready? May mga napunta sa reto situation na hindi nabigyan ng time to assess if ready na ba sila pumasok sa isang relationship. Maybe hindi ka pa ready pero yung convictions mo ba ready na? Ano yung mga non-negotiobles mo sa relationship? Kasi kung hindi ka mag seset ng standard, eh baka naman siya na lang maging standard mo?
- To the men who are reading this, we would really appreciate if you would step up in initiating clear conversations sa simula pa lang. Para hindi din kami nag-aassume mga babae. Sorry kasi assumera din talaga kami madalas.
So mga ka-cactus, kalma ka lang… easyhan lang baka hormones mo lang pala yan. Laging tandaan, hinay-hinay lang kiligin hangga’t hindi umaamin.