Three Ideas To Stop Hoping sa Isang Torpe

You are pretty, wife-material and bagay kayo ni Guy according to your barkada.

Yes, si Guy na close friend mo, na pati parents and relatives niya, ka-berks mo na rin.

Pero sa years niyo nang pagiging close, sa dami na ng naipon niyang birthday cards and Christmas gifts from you, wala pa ring ligawan na nangyayari sa inyong dalawa.

Sabi nila, torpe lang daw talaga si Guy.

Pero how about you na lalagpas na sa calendar ang edad sa ka-aasa na magkatuluyan kayong dalawa?

Here are three concepts, my friend, that you should accept, to stop yourself from hoping and waiting kay Mr. Torpe.

1) Walang Lalaking Torpe sa Isang Lalaking Real na Nagkakagusto

Sis, ang mga guys, basta may talagang nagugustuhan, para yan silang puputok until they can express their desire sa babaeng gusto nila.

Lalo pa yung mga tipong close kay God.

Naku. It’s true daw that he can sense if she is “The One” na.

Minsan nga kahit sandali pa lang sila nagkakakilala.

At kung sure na siya kay Ate Girl, pati na rin sa feelings niya, ipu-pursue niya talaga si Ate.

Clear pursuit, ha, take note.

Yung tipong “I like you and I want us to be more than just friends.”

Madalas nga “I love you” na agad ang sinasabi.

Kaya kung walang ganito between you and Mr. Torpe, it hurts to say this but, he just does not like you enough.

Again, hindi siya torpe.

Hindi ka lang niya talaga gusto, sis.

Hindi siya sigurado na ikaw ang “The One” for him.

Wala siyang enough na feelings for you para maka-proceed kayo sa isang romantic relationship.

And the sooner you embrace this fact, the sooner you can forgive him for not liking you enough.

The sooner, also, that you can move on and explore other options in your life.

2) It’s Not Your Fault na Hindi Ka Niya Gusto in This Way

I am sure may kilala ka na malayo sa beauty queen ang itsura at ang figure, hindi marunong magluto at maldita pero gusto at mahal ng kanyang BF.

Ikaw rin naman. May mga lalaking type ng friends mo pero “Eeeew” para sa’yo.

Kasi, actually, nakasalalay ang pagkagusto sa nagkakagusto.

Hindi sa nagugustuhan.

What I mean is, yung feelings ni Mr. (not) Torpe for you say more about him and his nature rather than describe you.

Lalo na sa pag-ibig.

Sis, kahit gaano ka pa ka-perfect, kung hindi marunong umibig ang isang guy, never ka niyang mamahalin.

So it’s not about you, or what you lack.

It is about him and his preferences.

So, don’t blame or make batok your pretty self kung bakit ginawa mo na naman ang lahat, lagi kang present sa family affairs nila, kulang na lang you tell him straight na “I love you. May I pursue you?”, pero hindi pa rin siya nanliligaw sa’yo.

At, huwag na huwag kang magde-declare ng pag-ibig sa kanya.

I tell you, sister, most likely, sayang ang ganitong effort at ang iyong dangal kasi nga, balik tayo sa point number 1.

Hindi ka niya totoong gusto or else, nag-express na siya sa’yo dati pa.

So ngayon, you may let yourself feel sad about this fact.

Masakit talagang umasa sa wala tapos sampalin ka nitong mga ideas na hindi ka niya gusto at wala sa iyong control na magkaka-gusto siya sa’yo ever.

It depends on what kind of man he is kung kaya ka ba niyang magustuhan at mahalin.

So sis, ngayong malungkot at nasasaktan ka na, punta tayo sa third idea na dapat mong tanggapin.

3) Start Putting Your Hope on The One Who Can Fully Love You

Kay God.

Cliché ba?

Pero have you ever tried it?

Na the reason you wake up each morning is to know God more.

And it makes you excited!

Yung tipong kahit kaka-bad trip yung hilatsa ng mukha ng office mate mo, na-under estimate mo ang traffic kaya na late ka sa appointment, etc., pero parang may internal source of kilig ka kasi nga close kayo ni Lord.

Yung confident ka sa beauty mo kasi alam mong tanggap ka at mahal ka ni God ng buong-buo.

Kasi, friend, kung hindi mo pa to nai-experience, you are missing out on life.

At kapag sa Panginoon ka umaasa, naku, hindi mo na masyadong iindahin ang sakit na dinulot ni Mr. (not) Torpe.

I’m sure mas magbu-blooming ka.

And who knows kung gaano karami ang doors of opportunities na magbubukas for you when you stop pining and hoping na magka-forever kayo ni Mr. (not) Torpe.

By Wagas

It is the glory of God to conceal things, but the glory of kings is to search things out.

Exit mobile version