After years of being a strong, independent woman, you’ve finally decided that you would no longer just be single anymore, but that you would now start to be active and go mingle-galore.

Congratulations!

But before mo buksan ang iyong sarili, lalo na ang iyong puso, for a romantic relationship, ask yourself these questions muna:

1) Bakit ko ba bubuksan ang aking puso?

Give yourself one point tuwing match sa’yo ang sentence.

  • Feeling ko may kulang sa akin kasi walang romance sa buhay ko ngayon.
  • Nai-inggit na ako sa ibang tao na may manliligaw or bf.
  • Gusto kong i-prove sa iba na likeable at loveable ako at walang mali sa akin.
  • Wala lang. I’m bored at gusto ko ng extrang pagkaka-abalahan.

Nagka at least one point ka ba?

If yes, STOP muna tayo, ha. Bawal sa’yo ang love life ngayon.

Here’s your next move: Internalize the statement below.

No Suitor, BF, or Spouse Can Complete Me, Give Me the Right Identity ´╗┐Nor Add to My True Worth.


Paki-memorize at recite five times a day.

Again, hindi manliligaw or kahit sinong tao ang makaka-satisfy sa uhaw diyan sa puso mo.

Si Jesus lang dahil Siya lang ang may kayang magbigay ng bagay na pupuno diyan sa iyong heart. Overflowing pa nga.

So why don’t you find out more about Him? And strengthen your relationship with God muna.

Kasi, kung magkaka-love life ka man ngayon, sa estado mong ‘yan, most probably you’ll end up disillusioned and disappointed.

I know you wouldn’t want that to happen to you.

2) Sino ba ‘yung pagbubuksan ko ng aking puso?

Single ba? Walang girlfriend?

Hindi mahilig mang-char?

Siguraduhin mo muna to.

Naglipana kasi ngayon ang mga lalaking taken na pero ang lalandi pa rin!

Huwag sa kanila, okay.

Learn to respect others and yourself.

May takot ba siya sa Panginoon?

Kung wala, abort plan.

Delikado ka diyan. I emphasize, para kang hahawak ng sasabog na bomba if you open your heart to somebody who does not fear God nor follow Christ.

Matatag ba siya?

Baka malaki lang ang katawan niyan pero takot humarap sa mga pagsubok ng buhay at mabilis bumigay sa temptations.

Dun ka na sa kahit hindi macho gwapito pero marunong manindigan at lumaban sa trials and temptations ng life, okay?

Secured ba sa kanyang pagkalalaki ‘yan?

Kasi, yung mga lalaking insecure, sila yung mga nananakit physically and emotionally.

They need to show themselves palagi na strong sila.

Hindi yan magiging gentle sa’yo, Girl, lagot ka.

May kita na ba at ipon?

Marunong bang kumita sa tamang paraan, yung hindi sa pagbebenta ng drugs, pagiging corrupt, etc.?

Konting character check lang muna, bago ka magpa-cute in the right way, diyan sa iyong mapupusuan.

Sa bagay, yung character, madi-discover mo naman later, kaya, yung most important talagang malaman mo, bago mo buksan sa kanino man ang iyong puso at mag-invest ng energy na magpa-pansin sa isang guy are yung CIVIL STATUS niya at kung may FEAR OF THE LORD ba siya.

Take note, sabi ko, mang-catch ng attention lang ni Guy at hindi mag-declare ng pag-ibig.

Huwag ganern. Kahit benta yun sa mga maling lalaki, turn off yun kay Mr. Right.

Okay ba?

And ikaw rin. Dapat ikaw mismo, okay din ang civil status, fear of The Lord and walk with God.

Kasi, when you decide to open up your heart, you are also choosing to sail on the wonders and disasters of love.

Only God can keep you anchored firmly and protect you from drowning in despair.

You are always safe whenever you obey God and do the right thing.

So best wishes to you, sis, as you take na this bold step of opening your heart!