Tips Para Umusad Ka Na Agad sa Ex Mo Kasi Hindi Ka Naman Pagong (bakit ang bagal mo? charot)

RAVAN PARA SA PAG-USAD

Mag-Biyernes Santong mukha-Umiyak-Magalit

Normal naman to sa lahat ng break up. Feeling ko ito talaga ‘yung pinaka-mahabang parte ng proseso para sa “ravan” nating mga niloko/iniwanan sa ere/pineste/ginamit lang/ginawang option/pinaasang may forever kahit sa por-EVERWING na lang talaga yan… lahat na ng maisipan mong kawalang hiyaan ng ex mo. Kesyo ex crush, ex boyfriend, ex almost, ex something. Namnamin mo ‘yang lungkot at galit na ‘yan. Namnamin mo ‘yang pagiyak mo. Promise ko sa’yo, kapag nailabas mo na lahat kusa ka nang mapapagod.

Tigilan mo yang Pang-sstalk sa ex mo (o sa bago niya kung meron man)

Hello? Nagmo-move on ka, di ba? Nasasaktan ka na nga, lalo mo pang sinasaktan sarili mo? Hibang ka ba? Oo sinabi kong pwede kang umiyak, maging malungkot, humagulgol at gumapang sa sahig habang nagdadrama, pero hindi ko sinabing kasama doon ‘yung pagiging Masokista habang ini-scroll down mo ‘yung timeline niya. At ano? Nalaman mong wala ka na sa kanya, di ba? Nakalimutan ka na niya. Ng ganun kabilis! Hintuan mo yan. Sasabunutan kita.

Delete-delete din

Eto, optional. Kung kagaya mo akong sinasagad agad ang pagmomove-on, delete delete din, ate. Delete mo lahat ng pagmumukha niya sa photos ng phone mo, facebook, twirrer, instagram, tumblr, o kung nailagay mo siya sa mySpace. Burahin mo na mga pictures niyo o videos niyo. Believe me, sa tuwing makikita mo pagmumukha niya, maaalala mo lang lahat ng sakit. Tatanungin mo na naman sarili mo kung “Bakit? Saan ako nagkamali?” “May mali ba sakin?” “Bakit hindi niya ako pinaglaban?” Oo alam ko rin namang pwedeng huwag na lang burahin. Nagsa-suggest lang ako. Kung ayaw mo, edi wag. Hmp!

Itago mo muna lahat ng binigay niya sa’yo (Itapon mo kung gusto mo)

Itago mo muna sila. Kung gusto mong ipamigay o itapon na lang, bahala ka na dyan. Basta tanggalin mo muna sa paningin mo lahat ng bagay na makakapagpaalala sa kanya, lalo na yung mga bagay na binigay niya. Naku, ate. Ang bigat sa damdamin niyan. Lalo na kung punong-puno yung kwarto mo ng bigay niya. Kesyo teddy bears, throw pillows, pabango, damit, sapatos, tissue kung saan may nakasulat na “I love you”, wrapper ng kendi na sabay niyong binili na ilalagay mo sana sa scrapbook sa anniversary niyo na sadly, hindi na matutuloy kasi nga niloko ka niya. Sakit di ba? Kaya itago mo muna sila. Ilabas mo na lang uli sila kapag nag-heal na yung sugat sa puso mo dahil sa monster na yon.

Kung tapos ka na sa pag-iyak, ugaliin mo nang ngumiti

Napagod ka na siguro sa pag-iyak nyan pagkatapos ng ilang araw o linggo. Huwag mong sabihin saking aabutin ka dyan ng tatlong taon ha? Ngumiti ka na. Find happiness in small things. Like the beauty of sunsets, beaches, clouds, birds, or even the beauty of yourself. Tumingin ka salamin, tapos ngumiti ka. Tapos sabihin mo, “NAPAKA gwapo/ganda ko. Hinding hindi na ako babalik sa’yo diMunYu ka”. Tapos ngumiti ka ulit. O di ba? Gumaan loob mo kahit nagmukha kang eng-eng. Joke lang.

Magpatawad ka na

Patawarin mo na siya. Kung iniwan, niloko, pineste, ginamit lang, hindi pinaglaban, o kahit ano pang kawalang-hiyaang ginawa niya sa’yo. Patawarin mo na siya. Kasi kung hindi, paano mo mapapatawad ang sarili mo? Isipin mo na lang na tao lang kayong dalawa. And all humans err. Nagkamali siya dahil sinaktan ka niya, at nagkamali ka dahil hinayaan mong pumasok siya sa buhay mo para gawin yun. Kwits lang. 

Ayusin mo sarili mo

Magpapogi/ganda ka lalo. Sinasabi ko sa’yo, sa lahat ng dapat mong gawin ito dapat yung isa sa pagpursigihan mo. Make them go “HOHEMJIH NAGSISISI NA YATA AKO BAKIT ANG GANDA NIYA NGAYON LALO I’M SHOOKT”. Pero syempre, hindi mo iyan gagawin para sa kanila. Gagawin mo iyan para sa sarili mo at para sa hinaharap. Old ways won’t open new doors, di ba? *wink wink*

Mas mahalin mo ngayon ang sarili mo

Self worth. Pero una sa lahat, sino ka nga ba bago ka pumasok sa relasyong wawasak pala sa pagkatao mo? Naalala mo pa ba? Kung paano ka dati ngumiti, tumawa, maglakad sa mall, kumain, magtext, manood ng tv. Paano ka nga ba nabuhay noon bago siya dumating para saktan ka? Naalala mo na ba? Single ka noon. Mahal na mahal mo sarili mo noon di ba? Selfish na selfish ka at halos ayaw mong ibigay yung kalahati ng fried chicken sa kapatid mo. O? Single ka uli ngayon. Naalala mo na ba? Ganun dapat! Mahalin mo uli sarili mo ng ganun katindi. 

Build walls again but never forget to attach “Kumatok kung may magandang intention”

Bilis niyang sinira yung walls mo na ang tagal mong itinayo, ano? Tapos g@g@guhin ka lang pala. Nakakainis siya. Pero syempre, dahil nakausad ka na at alam kong strong ka, itayo mo uli yung matatayog mong walls. Para walang makapasok at makapanakit sayo. Joke! Magkaroon ka lang ng signage lagi na “Knock only if you have good intentions”. Kung kumatok, silipin mo muna yung ugali bago mo papasukin. Hindi ko sinasabing maging mapili ka. But this time, guard your heart better. Aba, ang dami natin bones sa katawan pero yan ang pinaka bini-break ng mga kupal. Ingat ingat na sa susunod. Okay ba?

AT HIGIT SA LAHAT, DASAL. Dasal. Dasal. Dasal.

Ipagdasal mong magkapigsa sa pwet yung ex mo. Charot! Biro lang ‘yon. Ganito, actually kahit mawala man ang isa sa mga tips, kung meron itong part na ‘to, magiging okay ka. Magdasal ka lang lagi. Kausapin mo lagi si Lord. Na kung hindi man maging maayos ngayon o bukas iyang pakiramdam mo, hilingin mo na sana lagi ka nyang samahan sa journey na ‘to. Ibigay niya sa’yo iyong wisdom at patatagin niya lalo ang faith mo sa Kanya. Sigurado ako, sa lahat ng kaibigang pinagsabihan at pinagkwentuhan mo kung gaano ka nasaktan, si Lord ang pinaka-nakinig sa lahat. Kaya dasal lagi. Hindi mo naiintindihan ngayon lahat ng nangyayari, balang araw, lilitaw sa harapan mo iyong revelation kung bakit kailangan mong makaranas ng ganitong klase ng pain. Okay ba?

“Jesus answered him, “What I’m doing you don’t realize now, but afterward you will understand.””

‭‭John‬ ‭13:7‬ ‭CSB‬‬

Leave a comment

Exit mobile version