Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

bubulong na lang dahil alam ko na kahit sumigaw ako hindi mo na maririnig

Sinusubukan mong hawakan

Ang aking mga kamay

Sa panahon na ako ay nasa dilim

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Habang ang damdami’y kinikimkim

Sapagkat dapat itong ilihim

Nang minsa’y iyong hagkan

Nawala lahat ng aking lumbay

Pero kahit na aking aminin

Alam kong ito’y hindi para sakin

Kaya ibinulong nalang lahat sa hangin

Sabay natin tingnan ang kalawakan

Kapag kailangan natin ng karamay

Sabi mo…damhin ko ang bawat pagtingin sa mga bituwin

Sabi mo…ang buwan ang maglalapit sa atin

Sabi mo ako ay iyong hihintayin

Lahat naman ay may kawakasan

Masakit pa rin nang ang sati’y madamay

Magawa ko man na ikaw ay hintayin

Umaasa man na sa huli ako parin

Ang matalik na kaibigan na iyong hanapin

Titingin muli sa langit at aasang ako ay muli mong marinig. Umaasa na tayo’y muling pagtatagpuin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required