Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Malaya ka naman talaga..


Ako lang naman ang bumuo ng istorya natin mag-isa.

Ako rin naman 'tong mag-isang bumuo aa puso ko ng pag-asa.

Ako lang naman ang nangarap na mayroong "tayo".

Ako lang naman 'tong nag kunwaring 'akin ka.

Ako lang naman ang nag bigay ng motibo sa bawat galaw at kilos mo.




Alam kong ako lang ang gumawa, saaking kamay umikot at nag simula.



Kaya't alam ko rin na hindi mag tatagal at lahat ay mag babago,

dahil ako lang naman 'tong umasa sayo.




Hindi naman talaga kita kailangang palayain, dahil malaya ka naman talaga.


Wala namang nag mamay-ari sa'yo, kahit ako.


Wala rin akong kailangang palayain kundi ang sarili ko,


Sa mga patibong ko.

Sa mga pag-asang mag-isa ko lang bumuo.

Sa mga istoryang wala palang laman.

Sa mga pinanghahawakan 'kong ako lang ang nakakaalam.




At ngayon nangangako akong sa susunod ay maghihintay na.





Sa ngayo'y tanggap ko na..

Hindi naman talaga kita kailangang palayain dahil kahit kailan hindi ka naman naging 'akin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required