Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Gusto kong simulan sa kung paanong ang lahat ay nagtapos,
Yung tipong ang malayang ako , sa kalungkutan na ay nakagapos,
Hindi dahil sa ikaw ay nawala,
kundi dahil sa kung ano ang iyong mga ginagawa.

Oo, mga ginagawa mo na hindi ko na ginusto,
Ginagawa mo na nagtulak upang mapagod na rin itong puso ko.
Dahil mahal, nagbago ka na.
Marahil ikaw ay naimpluwensyahan na ng barkada.

Sa patuloy na pagtamis ng iyong mga salita,
Sa paghaba ng iyong mga mensahe tungkol sa iyong mga ginagawa,
At sa patuloy na paghaba ng usapan niyong dalawa,
Dumating sa oras na, ang iisang tayo ay naging dalawa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Masakit sa una, pero ngayon ay nasasanay na
Dahil ang makita kang masaya kasama siya,
Ay isang dahilan para ako ay maging okay na
Yung okay, na ang lahat ay tanggap ko na.

Hindi man ito yung unang sakit,
Dahil ang pag-iwan sa akin ay muli mong inulit,
Pero sisiguraduhin kong wala ng pangatlo,
Dahil gising na ako, at alam kong hindi ako talo.

Kawawa daw ako sa paulit-ulit na nangyayari,
Pero kahit ganon, di ako naawa sa aking sarili,
Di ko alam , pero dahil siguro ako yung nasa tama
At lahat ng nasa tama ay hindi kailanman nagiging kawawa.

Sabi nila ako daw ay manimbang sa ating dalawa,
At ang pag-aaral ko at ikaw ay nababalanse ko nga
Pero sa pagtagal, ramdam kong ako ay nasa baba na
Hirap nang balansehin ang sariling ngayon ay nag-iisa.

Sa patuloy na pag-aaral ko, ay ang patuloy ring pag-aaral mo
Pag-aaral kung paano mawawakasan ang ganito nating estado,
Pag-aaral kung paano mo paninindigan yang nararamdaman mo,
Nararamdaman mo, hindi na sakin kundi sa iba ng tao.

Tila ang mundo ay puno ng pagmamahal, ng luha at saya
Yung tipong minamahal kita,pero may minamahal ka pala dyang iba,
Yung sayo ko nakukuha ang aking saya, pero ikaw ay sa iba na,
Yung lumuluha ako, habang ikaw naman ay nagsasaya.

Dati, sa lahat ng kinikilos ko iniisip kita.
Dati, sa lahat ng pangarap ko, gusto ay kasama ka,
Dati, sa paggising sa umaga excited ako na mensahe mo ang mabasa,
Dati, masaya ako kapag sinabi mo sa aking mahal kita.

Ngayon , lahat ng nararamdaman ko ay nag-iba,
Yung excitement noon naging takot na,
Na sa muling pagbukas ko ng convo nating dalawa,

Manariwa ang sakit na iyong ipinadama.

Ang tulang ito ay walang titulo,
Sapagkat sa buhay mo,
Di ko alam kung anong naging posisyon ko,
Dahil isang araw, iniwan mo na lang ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required