To my baby’s father
Categories Confessions

To my baby’s father

Hi,

I just want you to know na never akong nagalit, nagtampo, nagtanim ng sama ng loob sayo eversince nung araw na nagpaparamdam kalang everytime you need me.

Libangan? Parausan? Pampalipas oras? Marupok? Malandi? Uto-uto? Easy to get? You can call me what you want and will accept it, lunukin ko. Believe me or not wala akong napagsisihan na nakilala kita, na binigay ko sayo agad agad buong pagkatao ko even at first. Sayo ko lang nagawa mga bagay na yun at buo sa loob ko yung desisyon kong yun.

Mahal kita, minahal kita, mamahalin pa sana kita, kaso.. the time na nagconfess ako sayo thru chat dahil diko natiis after our very first night pero seenmode kalang. Nagconfess ako  personally to clarify everything pero tinawanan mo lang ako. I said, it doesn’t matter kung ako yung babae sating dalawa coz I believe pag gusto mo dapat paramdam mo, confront mo, confess mo dahil sa paraang yun alam ko gagaan pakiramdam ko.

Mali pala. Mali pala ko. Masyado akong naging aggressive siguro dahil sa kagustuhan kong una palang malinaw na sana lahat. Diko namalayan nafastforward ko na yung mga bagay-bagay. Sorry, diko napigilan, sorry diko man lang inawat sarili ko, sorry dahil nagpadala ako sayo, sorry dahil nagpauto ako, and well done! nauto moko.

At first sabi ko will try to explore life na dahil sa sobrang bored and pagod nako sa work-dorm-work cycle ko. Where since HS and College deprived nako sa lahat dahil work sa daytime, student pag nightime, & sidelines for weekends for my 5 siblings since naging breadwinner na din ako dahil matatanda na parents ko and mahirap pa kami sa mahirap.

Almost 5 years nakong independent and I can say na, nakakamatay na yung boredom, stress, pressure and depression na almost everyday kong nararamdaman, everyday kong nilalabanan and those are the reasons bakit gusto ko nang kumawala.

So ayun na nga, nakilala kita, nagkamabutihan tayo sa social media, nagkasunduan for meet up, nagkaintindihan, natuwa ako sayo kase parang ang bait mo lang kausap, maGodly words kapa nga. Then eventually nag aya kang may mangyare saten, pumayag ako kahit walang tayo (ganun ako kakampante sayo). After, tsadaaa! hangin lang pala. haha saya!

I keep on reminding myself na ONS lang yun. Di rin naman yun FWB kasi di naman tayo ganun ka close pa para maging friends. So I decided to stop expecting something from you after ng lahat ng yun. Sakit pala masampal ng hangin. hahaha

Weeks passed, there you are again. Otw nako to healing process e, ginagawa mo? Nambubulabog kana naman ng pusong patulog. Sa bagay, alam mo kasing mabilis akong utu-in so, sige. Nanlambot na naman ako, wala e. Iniyakan na kita, iniyakan ko na yung kabobohan at karupukan ko.

“Gets kita.” yan yung words ko sayo the time na sinales talk mo sarili mo saken. Sorry kapa ng sorry kase baka naoffend ako sa mga daring words mo, or baka na-awkward nako sa pag aaya mo ulit. I said, ayos lang! Sige lang gets kita e kaya ayun, bumigay na naman ako sayo for the second time. (and the Marupok award goes to…..)

After nun, sabi mo baka di nako magpakita sayo, sabi mo baka aayaw nako next time, sabi mo no need to block. Though yan naman talaga balak ko after nun kase parang unti-unti nakong pinapatay lalo e. Pero ikaw pala gagawa ng lahat ng yan. haha natatawa nalang ako that time.

I admit na very fulfilling and refreshing yung feeling when I’m with you as you promised na tanggalin mo yung stress or bawasan mo yung bigat ng pakiramdam ko pagkasama kita. However, from Fulfilling and refreshing to DEVASTATING naman yung kapalit knowing na Sex lang pala talaga habol mo and can’t deal with it. Talo ako.

7mos. na t’yan ko. Idk kung tama bang ininform kita knowing na pwede mong ideny to o idishonor knowing na nagstart lang naman tayo as nothing.

Yung tipong wala akong mahabol sayo if in case something happens, nagconfess pa nga lang ako ng feelings ko tinawanan mo nako, how much more sabihin ko sayong may nabuo tayo. I know pwede mong sabihin na “malay ko ba kung akin yun” “malay ko ba kung ako lang nakagalaw nun” “malay ko bang totoo mga sinasabi neto” “malay ko bang ginagamit nya lang ako” Regardless, still I decided to inform you kase karapatan mo padin na malaman dahil alam ko sa sarili ko na ikaw tatay neto. Sabi ko enough na yung alam mo una palang, bahala kana kung mag effort kang alamin, tanggapin o takbuhan, as long as nasabi ko na, okay na. Ayoko naman dumating yung time na pagsisihan ko or maisumbat mo saken ba’t ko nilihim sayo ‘to.

I know magulo pa isip mo ngayon, I know yan yung mga bumabagabag sa isip mo til now. Pero sana man lang, nagtake risk kang alamin. Pero ayos lang, may fault din naman ako dun. Where in the first place bakit nga ba kase ko pumayag? Bakit ba kase kita pinatulan? bakit ba kase nagpadala ako sayo? Diko man lang inisip yun na may possibleng maapektuhan if in case. Diko rin kase inisip na malay ko ba kung inuto lang ako una palang, malay ko ba kung di lang saken mo ginawa ‘to, malay ko bang iiwas ka, magtago ka, maging duwag ka pag nagkataon na, diba? hahaha kaya okay lang, gets padin kita.

Di kita masisi at tapos ko nang sisihin sariling kagagahan at kabobohan ko.

Life is too short para magpakamiserable.

Minsan din kaya natanong mo sa sarili mo bakit mo naisipang pumasok sa ganung sitwasyon? Kase, di kita nakitaan ng ganun e, yung millenial moves na lumalaganap ngayon, lalo na’t nalaman kong Pastor ka pala.

Kaso wala pala ata sa ganun yun. Siguro dun ka masaya, pero ngayon kaya masaya kapa? Nacontinue mo pa kaya yun sa iba? Sana hindi na. Let this be your lesson na sana. Tama nang saken mo lang pinaranas ‘to. Wag kanang manggambala pa ng nakapaligid pang marurupok dyan. Hayaan mo nang saken na magtapos ang lahat ng gantong klaseng kwento. Kinilala-Kinita-Sinex-Binuntis-Tinakasan. Wag mo nang dagdagan yung mga nagsusuffer na single mothers sa lipunan.

Don’t worry, if ever darating yung time na makapag isip-isip kang lumutang, open lang yung pinto ng baby mo. Di kita pagsarhan, welcome ka naman sa kanya at diko ipapamulat sa anak mo yung worst story naten. And, one thing I can assure you, aalagaan ko sya ng maayos sa abot ng makakaya ko at sisiguraduin kong lumaki sya ng matino at may takot sa Panginoon. Ako na bahala.

Thank you, my Sperm donor.

Thank you for giving me a chance to experience a Motherhood.

Thank you for this Little man you gave me.

Thank you for this beautiful pain I gained.

Thank you for this beautiful consequence.

Ps. Yes, people do come and go while BIG BLESSING IS COMING and will not let him go.

Regards,

A Strong & Independent Mom-to-be