To The Pursuer
Categories Poetry

To The Pursuer

May napupusuan ka na ba?

Inalam mo na rin ba ang halos lahat ng tungkol sa kanya?

Mga hilig at ayaw nya

Mga kalakasan at kahinaan nya

Nakita mo ba na sya ay isang prinsesa?

Alam mo ba kung gaano nya inalagaan ang kanyang testimonya?

 

Kung sya ang laman ng iyong panalangin

Kung kay Bathala sya ang iyong hinaing

Dumaan ka sa tamang proseso

Manligaw ka ng hindi naaayon sa uso

Manligaw ka sa tamang paraan at huwag mu syang dadalhin sa madilim na lansangan

Na parang tinatago at di kayang panindigan

 

“When the process is right

The product is guaranteed”

 

At kung ikaw man ang tipo na walang lakas ng loob

Torpe sabi ng mundo

Hindi masabi ang nararamdaman sa taong nagugustuhan

Sasabihin ko sa’yo 

Walang torpe sa lalaking nagmamal ng totoo

Lalo na kung tama ang iyong motibo.

Ipahayag mo ang iyong damdamin

Lalo na’t nasa edad kana para umamin.

 

Kung ikaw ay nag-aaral pa

Unahin mo muna ang maka-pagtapos

At magdasal muna sa ngayon

Huwag kang magmadali na parang bang ikaw ay nasa karera

Na para bang mauunahan ka ng iba

Mabuti ng maghintay sa sigurado

Kesa magmadali at mapunta sa maling tao.