TOTGA
Categories Poetry

TOTGA

Ang turo saken kapag humiling daw sa Diyos dasalin ito ng paulet-ulet, Sinunod ko di ako bumitaw bagkos patuloy pa akong kumapet, Paraan siguro ito para malaman niya kung gaano naten yon kagusto, Humiling ako sa kanya ng kaligayan at pinagdasal ko ng husto, Dasal .. Pagiging mabuting tao .. Kalimutan ang masamang nakaraan ko .. At magpatuloy dahil natuto .. Sa bawat araw na lumipas pinipilit kong magpakubuti, Sa bawat araw ipinagdarasal ko ang kaligayahan ng maigi .. Hanggang isang araw dumating si ligaya .. Isang babaeng nakakahalina .. Nagdasal at nagtanong kung siya ba ay kanya saking pinakikilala .. At doon ako nagsimula makaramdam ng saya.. Maamong mukha .. Matamis na mga ngiti .. At namumulang mga pisngi .. Matangos na ilong .. Isang normal na babae na kung minsan ay meron ding sumpong . Kahit ganon patuloy pa rin akong nagdasal at humiling ng kaligayahan .. At sa bawat araw ay tila pinapakita saken ng Diyos na siya ang kanyang kasagutan .. Sa lilim ng puno ay puro kame tawanan .. Pinag-uusapan ang mga katangahan na aming pinagdaanan .. Sa liwanag ng buwan ay mahaba at malalim na usapan .. Sabay naming hinihilom ang mga puso naming minsan nang nasugatan .. Umaga .. Tanghali .. Hapon .. Gabi .. Walang parte ng araw ko na di sya kasama . Kaming dalawa na gumagawa ng masasayang alaala .. Hanggang sa sumandal siya sa balikat ko, At nagtanong “Pede bang habang buhay na tayong ganito?” Sa sobrang saya ay napatahimik ako .. Habang nakangiti ang mga luha ko ay nag-uunahang pumatak .. Nang masambit nya ang tanong na yon sa saya ang tenga ko’y napa-palakpak .. At sumagot ako sa kanya sa pamamagitan ng mainit ko na yakap .. Gusto kong sabihin na :”kahit sa kabilang buhay pede nateng pagpatuloy to”. Pero di ako nakapagsalita sa sayang nararamdaman ko .. Na yung araw araw na hinihiling ko .. Yakap na ng mga bisig ko ..