
Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
‘Di ako tunay na makata
Ngunit biglang namumutawi ang mga salita
Siguro’y nais ko lamang iparating
Ang tunay na nilalaman nitong damdamin
Ako’y naririto lamang
Naghihintay na iyo nang malaman
Na puso’t isip ko’y ikaw lamang ang nilalaman
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Nawa’y dumating na ang araw
Na tunay nga’ng mayroon nang ako at ikaw
Sa pagmulat ng mga mata
At pagsalubong sa bagong umaga
Sana ako rin ay iyo nang sinta