Bakit ka gagawa ng proyekto kung di mo naman kaya tapusin ito ??

 

Bakit ka mangunguna kung di mo naman pala kaya panindigan hanggang dulo..
Mahal tanong ko lang?
Sigurado ka bang ako lang??
Ako lang ang laman nyang puso mo??
O sya parin na dati mong ginusto?
Kapag magkasama kasi tayo, sya lagi kinukwento mo..
‘pag magkasama tayo, sya lagi bukambibig mo
‘pag magkasama tayo, sya lagi hinahanap mo
kaya napapa tanong tuloy ako kung sya ba talaga o ako?
Di pa ba ako sapat na nasa harapan mo?
Di pa ba sapat yung pagmamahal na binibigay ko sayo?
Di pa ba sapat yung atensyon na nabibigay ko sayo?
Na kahit di pa tayo, ay hatid sundo kita sa trabaho mo
Na kahit di pa tayo ay ikaw lagi ang nasa isip ko
Mahal, baka panahon na muna para sa “SAKA NALANG”
Saka mo nalang ako lapitan, kapag wala na sya
Saka mo nalang ako mahalin kapag hindi na sya
Saka mo nalang ako kausapin kapag di na sya ang bukambibig mo
Saka mo nalang ako bitawan ng matatamis mong salita kapag sigurado kanang ako lang..
Dahil mahal gusto kong ako naman
Ako naman ang laman nyang puso mo
Ako naman yung laging hinahanap mo
Ako naman yung laging bukambibig mo
Ako naman yung kukumpleto sa araw mo
Ako naman yung pinagmamalaki mo
Sana dumating yung time na Ako naman
————————————————————————–
                                  -CUT HERE-
pls hide my identity po
or use my writter’s name: MgaSulatNiKuya
Thanks.