Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Minsan hindi ko maintindihan kung ano ba tayo, kung ano ba ako sayo. Bakit ang sweet mo sakin daig pa natin ang mag jowa kung mag lambingan pero wala namang tayo, minsan naiisip ko tuloy na bored lang siguro tayo sa buhay. Ayoko naman umasa kasi alam kong hindi mo naman ako gusto, pero tanggap ko naman yun na hindi mo ko magugustuhan na hanggang landian lang ang meron tayo.

kaya naisip ko na makipag tagu-taguan sayo , yung ayoko munang mag paramdam ayoko munang makita ka, gusto ko muna mag karoon ng time para sa sarili ko. ipapahinga ko muna yung isip ko at puso ko. kaya block muna kita sa messenger , facebook sa lahat ng account na meron ako, hayaan mo muna ko because i need a break , i need my me time hindi sa galit ako sayo or bitter ako,  kasi mali na itong nararamdaman ko.

kaso ang kulit mo eh, iwas ako ng iwas pero lapit ka ng lapit, ano bang problema mo hindi kaba masaya sa mundo mo, bored kaba kaya ayan kananaman hinahanap hanap ako, ang gulo mo alam mo ba yun. kung mahal mo ko sabihin mo hindi yung para tayong tanga, kung bored ka wag ako ang gawin mong libangan kasi hindi ako laruan tao ako baka nakakalimutan mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


tatanungin kita kung ano ba tayo sasagutin mo ko ng ” kaibigan tayo” kingina mo may kaibigan bang gumagawa ng mga ginagawa natin, tapos sasabihin mo saking hindi tayo pwede, tigilan muna ko kasi wala akong assurance sayo na mahahalin mo ko ayoko na mag invest ng feelings sayo kasi alam ko in the end malulugi lang ako.

Wag muna akong guluhin kung alam mo sa sarili mo na hindi ako yung klase ng babaeng mamahalin mo, wag mo kong gawing laruan kasi tao ako. if your not happy with your life dont ruin mine. gusto ko mag invest ng love and time sa taong karapat dapat at hindi sa taong pag lalaruan lang ako.

Salamat sa panandaliang landian nag enjoy ako, but i need to cut you off. Hanapin natin yung tunay na kasiyahan sa taong tunay na mag papahalaga at mag mamahal satin. Good bye and thanks for the memories.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required