Current Article:

Work From Home, nakakasira nga ba ng relasyon?

Work From Home, nakakasira nga ba ng relasyon?
Categories Relationships

Work From Home, nakakasira nga ba ng relasyon?

I am so sure that no one wants what is happening right now, or even on the past few months. Lahat ng tao apektado, kahit nasaang parte ka pa ng mundo. I am in a relationship and we are facing a challenge caused by the current situation in the world. Isa akong OFW at nasa Pilipinas naman ang boyfriend ko. Simula ng magkaroon ng mga lockdown at quarantine, we thought it is in our favor kasi mas marami kaming time para makapag video calls kumpara noon na regular ang schedule namin sa aming mga trabaho. Naisip ko, hindi pwedeng ganito na lang lagi, walang kasiguraduhan kung kelan babalik sa normal ang lahat, kailangan kong dumiskarte para magkaroon ako ng pagkakakitaan at may maipadala ako sa pamilya ko at personal kong pangangailangan para makasurvive ako dito sa abroad.

Ako nga pala si Irish, isang teacher. Habang ang boyfriend ko naman na si Edric ay teacher siya sa Pilipinas. Nagkaroon ng plano ang boss ko na mag work from home kami upang patuloy kaming makatanggap ng sweldo. Sino ba naman ako para tumanggi, hindi lang working visa ko ang nakasasalalay kundi ang unang dahilan kung bakit ako nag abroad, ang kumita ng higit pa sa sapat na pera. Alam ng boyfriend ko kung paano ako magtrabaho, gusto ko focused ako dahil siguro masyado akong passionate at mahal ko ang aking propresyon. Nung nagsimula na akong magwork from home, nabawasan nang paunti unti ang mga oras ng aming pag uusap. Yung ilang oras na video calls, naging minu-minuto na lang. Yung madaming chat, paminsan minsan na lang.

Kahit na busy ako, gusto ko pa rin siya makita sa video call o makausap kahit sandali lang, ako mismo napapansin ko na natatawagan ko na lang siya kapag pagod ako at ang ilang minuto ng pagpapahinga na lang ang nailalaan ko sa kanya, dun ko na lang siya tinatawagan. Nagsosorry naman ako sa kanya at pinapaliwanag ko ang sitwasyon ko, sabi niya naiintindihan niya kaya hinahayaan niya akong magtrabaho. Minsan siguro sobrang miss na niya saken, nagchachat siya kahit di ako nagrereply, minsan binabasa ko lang ang chat niya at balik trabaho ulit dahil ang katwiran ko, malinaw sa kanya kung gaano ako kapursigido magtrabaho. Pero habang tumatagal, mas dumadami ang kailangan kong gawin, mas madaming workload ang kailangang tapusin dahil unti unti na naming natatanggap dito sa abroad ang katotohanan na hindi na babalik ang “normal” na katulad noon kaya naman halos hindi ko na siya natatawagan o chat man lang.
Isang gabi, habang nagtatrabaho ako, tinawagan ko siya. Sabi ko, gusto ko sya makita at makausap kahit na nagtatrabaho ako. Aminado ako, hindi ako masyadong nakafocused sa sinasabi niya kahit na ako ang nagsabi na magkwento siya kung kamusta siya at ano ang mga pinagkakaabalahan niya. Hindi nagtagal ang paguusap namin dahil napansin kong nakasimangot na siya. Tinotopak na. Medyo naiinis din ako dahil yung mga sinasabi kong salita na gusto ko ikwento sa kanya ay naitatype ko sa aking computer kaya nagkakamali mali ako sa ginagawa ko. Sabi ko sa kanya alam kong nagtatampo na siya at nagsorry ako. Sabi niya konti lang daw, pero nakakasama daw ng loob na nagkukwento siya pero hindi daw ako nakikinig dahil minsan nasabi na niya itatanong ko pa ulit. Sa totoo lang, nainis din ako. Inakala ko na naiintindihan niya noon pa ang sitwasyon ko pero siguro sa tagal na rin na ganito ang sitwasyon namin, naubos na ang pasensya at pag intindi niya saken kaya tinopak na rin siya. Ang huling nasabi ko na lang noong gabing yon, “saka na tayo mag usap pag pareho na tayong hindi tinotopak”.
Nasa isang linggo na rin ang nagdaan simula ng hindi kami mag-usap ng tungkol sa aming dalawa, yung lambingan, kulitan, tawanan, isang linggo nang walang ganon. Nagchachat lang kami kapag may kailangang asikasuhin, maliban don, wala na. Naiintindihan ko at tanggap ko na may pagkukulang ako dahil nawalan ako ng oras sa kanya, pero umaasa ako na maiintindihan niya ako dahil simula pa lang ay nakikita na niya noon kung paano ako magtrabaho. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na baka sobrang naiinip na siya, sobrang namimiss na niya ko kaya sya nagtatampo ng ganito. Pero sa sitwasyon ko ngayon na mataas ang expectations sa linya ng trabaho ko, hindi ako kailangang magpabaya at ibigay ko dapat ang best ko para hindi ako mapasama sa tatanggalin sa trabaho.
Nakakalungkot pag naiisip ko na dahil kailangan kong maging masinop at masipag sa trabaho, ang relasyon naman namin ang nasasakripisyo. Hanggang kailan kaya ako hihingi ng pasensya sa kanya para maintindihan niya ang kalagayan ko? Hanggang kailan kaya niya kaya intindihin at maghintay na magkaroon ulit ako ng mahabang oras sa kanya? Napakalabo ng mga naiisip kong sagot dahil tatlong buwan na simula nung nagbago ang set-up ng komunikasyon namin. Nakakaramdam ako na nawawalan na rin siya ng interes sa relasyon namin dahil hindi na kami nakakapag usap tulad noon. Ever since LDR kami, at ngayon mas naging mahirap pa dahil work from home ako at parang naghihintay lang siya kung kelan ako magkakaroon ng time na tawagan siya, na minsan hindi ko na magawa dahil madaling araw na ko natatapos at ayoko na siyang gisingin pa. Minsan naman sa umaga ako tumatawag noon at tulog pa siya. Ang hirap, kung ito na ang sinasabing “new normal”, kakayanin kaya namin?

Work From Home, nakakasira nga ba talaga ng relasyon?