ika’y isang binatang may hindi malarawang kakisigan
may mga matang sumasabay sa mga ngiting kumikislap
kamay na lumilikha ng anong kay gandang sulat
at boses na sa pag awit ay sadyang kay sarap pakinggan

ngayo’y mga mata ko’y nagkukumahog na makitang tuwina
sa likod ng mga kaibigan ko’y tumatago para masulyapan ka
mga kamay ay nanginginig kapag sa harap ko’y mapadaan ka
utak ko’y hindi mapakaling tunay sa tuwing naiisip ka

at dumating ang isang araw, biglang binati mo ako
hindi lubusang maisip, mapapansin mo rin pala ako
dila’y nagkabuhol buhol sa pagbati pabalik sa iyo
oh! giliw ko, tunay mong napasaya ang simpleng puso kong ito

nakakagalak magkaro’n ng inspirasyong tulad mo giliw
kahit alam kong panandaliang saya lamang itong pag tingin
kaya’t kahit may tiyak na katapusan ang pagtatagpo natin
anong saya pa din na puso ko’y tumibok para sa isang simpleng pagtingin

05/2014-05/2020